Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Obsessed’ kay misis mister sinilaban binatang kapitbahay

062425 Hataw Frontpage

HATAW News Team

ISANG lalaki ang nasa kritikal na kondisyon matapos buhusan ng gasolina at silaban ng isang mister na ‘super-obsessed’ sa kanyang misis, habang nadamay ang isang naglalabang babae sa Taguig city.

Inoobserbahan hanggang ngayon ang kondisyon ng nakaratay na biktimang si James Villaruel, 28 anyos, residente sa Brgy. Pitogo, na nasa 3rd ­degree burns ang pinsala sa mukha at iba pang bahagi ng katawan.

Ayon sa Taguig City Police Station, dakong 10:22 ng umaga noong Biyernes, 20 Hunyo 2025 nang maganap ang insidente.

Nakita sa CCTV ng Brgy. Pitogo ang pangyayari na makikita ang pagdating ng suspek na si alyas Greg, 43 anyos, sa isang eskinita saka nilapitan ang biktimang nakatambay hawak ang kanyang cellphone.

Agad ibinuhos ng suspek sa biktima ang gasolina na nasa supot saka sinindihan. Naghihiyaw at nagtatakbo ang biktima hanggang umabot sa naglalabang ginangna kinilalang si Gesilie Pedron.

Napinsala rin ng paso sa katawan si Pedron.

Pahayag ng isang residente, sinabihan ng suspek ang biktima ng “ito ang regalo ko sa yo,” bago binuhusan ng gasolina.

Sinabi ni Brgy. Chairman Ives Ebrada, nagkaroon ng harapan ang biktima at suspek sa barangay kung kailan nag-sorry sa mga pagbabantang ginawa niya sa biktima.

Bukod sa paghaharap na iyon, marami nang ‘rekord’ ang suspek sa barangay.

Bago ito, nag-isyu ang barangay ng protection order laban sa suspek upang hindi makalapit sa kanyang misis  na nagsampa ng  reklamong pananakit, verbal at psychological abuse.

Ikinuwento ng ina ng biktima na minsan nang inabangan ang kanyang anak sa trabaho at pinagbantaan.

Marami rin pinagseselosang lalaki ang suspek, hindi lamang ang kanyang anak, ayon pa sa ina ng biktima.

               Nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek na mabilis na nakatakas at pinaghahanap ngyaon ng mga awtoridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …