Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fuel Oil

Sa banta ng oil price hike kaugnay ng tensiyon sa Israel vs Gaza at Iran  
Walang delay na fuel subsidy sa PUV drivers ipinatitiyak ni Tulfo sa DOTr at LTFRB

NAGPAHAYAG si committee on public services chairman Senador Raffy Tulfo ng kanyang full support sa plano ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na palawigin ang fuel subsidies sa mga motorista partikular sa public utility vehicle (PUV) drivers and operators sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Matapos ianunsiyo ni PBBM, agad nakipag-ugnayan si Tulfo sa Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para tanungin kung anong plano nila para matiyak na wasto at walang delay sa distribusyon ng fuel subsidies sa mga apektadong sektor na sasalo at mabigat na tatamaan ng projected oil price hike.

Sinabi ni DOTr Assistant Secretary Michelle de Vera kay Tulfo na inatasan sila ni PBBM kasama ng LTFRB, Department of Energy (DOE) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na ibahagi ang fuel subsidy kapag nangyari na ang pagtaas sa susunod na linggo.

Ang fuel subsidy program ay palalawigin para sa mga modern PUV operators and drivers, traditional jeepney drivers, bus drivers, grab drivers, tricycle drivers hanggang sa delivery riders.

Kinuwestiyon ni Tulfo si De Vera tungkol sa allotted ₱2.5 billion available funds para sa fuel subsidy program sa ilalim ng transport sector.

Sinabi ni De Vera na nag-isyu na ang DOE ng certification para payagan ang LTFRB na i-disburse ang pondo sa mga benepisaryo.

Tinanong ni Tulfo si LTFRB  Executive Director Loumer Bernabe sa anong paraan nila planong i-distribute ang fuel subsidies dahil may mga insidente noong mga nakaraang taon na delayed itong naipamahagi sa jeepney drivers at binigyang-diin na hindi na dapat maulit.

Ayon kay Bernabe, ang kanilang scheme of distribution ay sa pamamagitan ng kanilang existing Pantawid Pasada Cards / fuel cards, bank-to-bank transfer, pagtransfer sa E-wallet accounts at sakaling hindi available ang mga nasabing transfer methods, ang subsidy ay maaring ipamahagi o mai-claim over-the-counter sa mga piling Landbank of the Philippines (LBP) Servicing Branches.

Ibinahagi rin ni Bernabe na magsisimula nang magproseso ang LTFRB ng qualified beneficiaries sa oras na mai-download agad sa kanila ang pondo mula sa DOTr na nakatakdang masimulan ngayong Lunes, 23 Hunyo.

Sa kabila ng mga nasabing plano, pinaalalahanan ni Tulfo ang DOTr at ang LTFRB na tiyaking may wastong guidelines para sa distribusyon ng fuel subsidy.

“Ito ay para masiguro na ang mga beneficiaries ay mga tunay na PUV drivers/operators/ o delivery riders at walang palakasan system,” giit ng senador.

Dagdag niya, “Ayokong marinig na mayroong nadehadong tsuper ng jeepney dito na dapat makinabang sa programa.”

Sa huli, sinabi ni Tulfo na patuloy niyang tututukan ang pagpapatupad ng fuel subsidy program at inaasahan niya ang DOTr at ang LTFRB na titiyakin nilang sa tamang benepisaryo mapupunta ang suporta, at sa panahon kung kailan higit nila itong kinakailangan.”  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …