Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
LPG Explosion

Warehouse ng gasolina sumabog 3 laborer sugatan sa Tondo

SUGATAN ang tatlong construction worker matapos ang insidente ng pagsabog sa loob ng isang warehouse ng gasolina sa Vitas, Tondo, lungsod ng Maynila nitong Sabado ng umaga, 21 Hunyo.

Naganap ang insidente dakong 9:00 ng umaga habang may inaayos ang mga construction worker sa loob ng warehouse.

Batay sa mga paunang ulat, may natamaang crude oil pipeline ang mga trabahador na naging dahilan ng pagsabog.

Isinugod ang mga biktimang may edad 24, 25, at 30 anyos sa Tondo Medical Center upang lapatan ng lunas ang mga lapnos at pasong kanilang inabot.

Patuloy ang malalim na pagsisiyasat na isinasagawa ng mga fire investigator upang matukoy ang dahilan ng pagsabog at kung nasunod ang kaukulang proper safety protocols sa konstruksiyon.

Ayon sa mga residente sa lugar, nakarinig sila ng malakas na pagsabog kasunod ang malaking usok na nagmula sa pasilidad.

Samantala, walang naiulat na nadamay na mga estruktura malapit sa warehouse.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …