SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PUNOMPUNO ang Plaza Independencia sa harap ng San Sebastian Church at talaga namang hindi magkamayaw ang mga Lipeno sa pagpapakita ng suporta sa kani-kanilang kandidato sa Mister at Miss Lipa Tourism 2025.
Hindi napigil ng ulan ang Grand Coronation night ng Mister and Miss Lipa Tourism 2025 noong June 19 na pinangunahan ni Konsehal Venice Manalo at sinuportahan ni Lipa Mayor Eric Africa, kasama sina Lipa Tourism Council President Joel Peña at Fernando Manguera, Foundation Chair.
Punumpuno ng tao ang venue ng local pageant na nagmula sa iba’t ibang barangay ng Lipa na talagang sumugod para ipakita ang kanilang suporta sa pambato ng kanilang barangay.
Kaya naman umaalingawngaw ang hiyawan, sigawan, tilian, palakpakan, at pagtawag sa pangalan ng kani-kanilang bet.
Naglaban-laban ang 12 candidate para sa Mister Lipa Tourism 2025 habang 12 din kababaihan ang nagpatalbugan para sa titulong Miss Lipa Tourism 2025.
Itinanghal na Mister Lipa Tourism 2025 si Kurt Michael Aguilar ng Brgy. Bagong Pook at Miss Lipa Tourism 2025 naman si Joey Anne Chavez ng Brgy. Sampaguita.
Tinawag na Hakot King si Kurt dahil halos lahat ng special award ay nakuha niya. Siya rin ang itinanghal na Darling of the Press award na pinagbotohan ng mga miyembro ng entertainment media sa ginanap na presscon ilang linggo bago ang coronation night. Si Nestor Cuartero ng Tempo/Manila Bulletinang nag-abot ng premyo sa nagwaging Darling of the Press.
Humakot din ng special awards sa finals night si Joey Anne na sumali na rin pala last year sa naturang pageant pero hindi siya sinuwerte.
Naging mainit at matindi ang labanan ng mga contestant lalo na nang rumampa sa Swimwear at Evening Gown/Formal Wear competition. Kasunod nito ang announcement ng Top 5 finalist.
Naging matindi pa ang labanan sa Q&A portion na nagpatalbugan sa katalinuhan under pressure ang mga pumasok sa Top 5. At in fairness, magagaling silang sumagot lahat lalo ang limang Top 5 na Mister Lipa Tourism 2025.
Narito ang mga runner-up sa naturang patimpalak:
1st Runners-Up
– Phil Jabez Alejandro – Brgy. Marawoy
– Allessandra Elfante – Brgy. Marawoy
2nd Runners-Up
– Mr. Syrus Miguel Dimayuga – Brgy. 10
– Ms. Jabeshe Coronel – Brgy. Tambo
3rd Runners-Up
–Mr. Marcuz Wayne Acar – Brgy. 9A
–Ms. Wrincel Joyce Baet – Brgy. San Isidro
4th Runners-Up
–Mr. Bob Ivan Las – Brgy. Bulacnin
–Ms. Abbygail Mojares – Brgy. Banay-banay
Samantala, sinabi ni Joel Peña na ang pageant ay hindi lamang isang selebrasyon ng kagandahan at kakisigan, kundi isang hakbang patungo sa higit pang pag-unlad ng turismo sa Lipa.
Ang mga hurado ay binuo nina Vien Del Rosario, social media influencer and fashion model; Rex Belarmino, President and CEO ng Mister Grand Philippines; Elosia Jauod, international model at reigning Miss Universe Philippines Laguna 2025; Kenneth Rios Marcelino, Mister Pilipinas Cosmopolitan 2025; Jasmine Bungay, Binibining Pilipinas Globe 2024 at Miss Globe 2nd Runner-Up; John Eriq Bonifacio, Bench model at Man of the Philippines-UAE 2023; at Katrina Llegado, Chairman of the Board, Miss Universe Philippines, Miss Supranational.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com