Thursday , June 4 2026
EPD Eastern Police District

535 pulis ng EPD kasado sa Oplan Balik Eskuwela

KASADO ang 525  pulis ng Easter Police District (EPD) para sa balik-eskuwela na itinalaga sa mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes, 16 Hunyo.

Ayon kay PBGen. Aden Lagradante, District Director ng EPD, lubos na nakatutok ang mga pulis sa seguridad ng lahat ng nasasakupang pampublikong paaralan at pagsasaayos ng trapiko kasabay ng paglalagay ng Police Assistance Desks para sa mabilis na pagtugon sa mga insidente.

Siniguro ni Lagradante na patuloy silang magtatalaga ng mga pulis sa mga paaralan, hindi lamang ngayong pasukan ng klase, kundi hanggang sa katapusan ng pasukan sa 2026 at sa susunod pa, upang matiyak na walang hindi kanais-nais na insidente ang magaganap sa nasasakupang paaralan ng Eastern area.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng hepe ng EPD ang publiko na manatiling mapagmatyag at i-report ang mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang tanggapan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …