Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Israel
4 PINOY SUGATAN SA MISSILE STRIKE NG IRAN – DFA

061625 Hataw Frontpage

HATAW News Team

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) apat na Filipino ang nasugatan at isinugod sa ospital matapos ang ganting air strike ng Iran sa Israel.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, ang mga nasugatang Pinoy ay mula sa Rehovot, isang lungsod, 20 kilometro sa timog ng Tel-Aviv.

“We were not sure if they were in the park or if lumabas sila ng bahay sa takot,” pahayag ni De Vega sa ABS-CBN News.

Bukod sa apat, may 12 Filipino pa ang nasa isang park nang tumama sa lugar ang missile ng Iran.

Isang Pinay ang nawalan ng tirahan at pansamantalang nanunuluyan sa hotel matapos tamaan ng mga missile ang Ramat Gan, kanluran ng Tel-Aviv, ayon sa Philippine Embassy sa Israel.

“Nakaligtas siya sa kapahamakan dahil siya ay nasa loob ng isang bomb shelter o mamad nang bumagsak ang naturang missile,” paskil ng Embahada sa social media.

“Dahil nagdulot ng malaking pinsala ang missile sa bahay ng ating kababayan, inilikas siya at pansamantalang mamamalagi sa isang hotel sa Tel Aviv,” ayon pa sa paskil ng Embahada.

Anila, “Magpapaabot ng karagdagang tulong at psychosocial support ang Embahada sa kaniya sa mga susunod na araw.”

Nirerepaso ng Philippine Embassy sa Israel kung kinakailangang ipatupad ang boluntaryo o sapilitang repatriation para sa mga Filipino sa mga susunod na araw.

Kinompirma ni De Vega batay sa rekord nasa 30,000 ang mga Filipino sa Israel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …