Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver ayaw pangunahan sorpresa kay Julie Anne sa planong kasal

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANY wedding plans yet?”  bungad na tanong namin kay Rayver Cruz tungkol sa kanila ni Julie Anne San Jose.

Lahad ni Rayver, “Siyempre roon naman na papunta. 

“Wedding plans, napag-uusapan namin pero ‘yung wedding plans kasi gusto ko kasi siyempre ma-surprise pa rin siya kahit na sinasagot ko ito sa interview.

“Importante pa rin na wala siyang matunugan kung kailan mangyayari.”

Sa lalong madaling panahon na ba?

“Ah malalaman din naman ng lahat. At saka siyempre iyang plano na ‘yan dapat sinisimulan ko sa magulang niya.”

In any case, ready na si Rayver na maging husband at maging daddy.

“‘Pag dumating ‘yung araw na ‘yun, oo naman.

“And hindi na rin naman ako bumabata.

“Tuwang-tuwa ako sa mga pamangkin ko, sa mga anak ni Rodjun.

“So I think ‘pag dumating ang araw na iyon masaya iyon, brand new journey and panibagong simula.”

Si Rodjun Cruz na kapatid ni Rayver at misis ni Rodjun na si Dianne Medina ay may dalawang anak, sina Joaquin at Isabel.

Samantala, nagbabalik ang The Clash na umere ang pilot episode nitong Hunyo 8 kung Clash Masters o hosts sina Rayver at Julie Anne, mga hurado naman ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista, at ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.

Napapanood  tuwing Linggo, 7:15 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …