MAGHANDA na para sa isang gabi ng pakikinig ng smooth jazz mula sa sikat na international saxophonist na si Kenny G na magtatanghal sa isang one-night-only concert sa Hulyo 15, 2025, sa New Frontier Theatre, 8:00 p.m..
Kilala sa kanyang madamdaming pagtugtog ng saxophone, asahan ang isang gabi na puno ng timeless classics na tiyak magpapa-relax ng inyong panonood.
Sa mahigit tatlong dekadang career at may mahigit 75 million records na naibenta sa buong mundo, si Kenny G ay nananatiling isa sa pinaka-hinahangaang instrumentalist sa kasaysayan ng musika. Mula sa romantikong pagtugtog ng Songbird hanggang sa madamdaming hatid ng Forever in Love, ang kanyang musika ay nakaantig sa milyon-milyong puso. Ang kanyang phenomenal hit na Going Homeay naging isang worldwide favorite lalo na sa bansang China.
Hanggang ngayon ay patuloy sa pamamayagpag sa mundo ng smooth jazz si Kenny G dahil ang kanyang 2015 album na New Standards. Inspired mula sa jazz ballads ng dekada ‘50 at ‘60, ang album ay pinagsama ang mga klasikong chord progressions sa makabagong recording techniques. Ilan sa mga standout tracks ay ang Two of a Kind at Legacy, isang kakaibang collaboration na gumamit ng sampled performance mula sa jazz legend na si Stan Getz. Ang pinakabagong album naman niyang Innocence ay ginawa niyang akma sa lahat ng mahilig sa jazz music maging sa bagong henerasyon ng kabataan ngayon.
Maliban sa musika, si Kenny G ay isang pop culture icon—mula sa kanyang viral moments, trending feature sa album ni Kanye West na Jesus Is King hanggang sa kanyang HBO documentary na Listening to Kenny G. Ang New Standards ay isang pagpupugay sa mga alamat ng jazz at patunay ng kanyang patuloy na pagkamalikhain sa jazz music industry.
Available na ang tickets sa www.ticketnet.com.ph. Ticket Price: GOLD 12000PHP, SILVER 8500PHP, BRONZE 5500PHP.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com