Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Njel de Mesa Sanya Lopez Hot Maria Clara

Kanta ni Direk Nijel de Mesa na “Hot Maria Clara” para kay Sanya Lopez, number 1 sa music charts!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING nakakikilala kay Direk Nijel de Mesa bilang isang award-winning na director, kaya naman nagulat ang marami na ang isa sa pinakamainit na kanta ngayon sa internet, radyo, at telebisyon ay ang kanyang “Hot Maria Clara”.

Pagkalipas ng tatlong taon, bigla na lang nag-number one sa mga music charts ng Spotify ang “Hot Maria Clara” (kasama ng “Dungka” ng SB19, “Don’t Say You Love Me” ni Jin ng BTS, at “Multo” ng Cup of Joe) na isinulat niya para kay Sanya Lopez at GMA Music.

Pahayag ni Direk Nijel, “Lubos ang pasasalamat ko kay Ms. Annette Gozon-Valdes at Ms. Tracy Garcia ng Sparkle for making this collaboration happen, three years ago.

“Pati rin siyempre si boss Rene, sir Kedy, Paulo, at Ma’m Michelle ng GMA Music. Ito ang patunay na talagang good things come to those who wait,” aniya pa.

Marami na rin napasikat na kanta si Direk Nijel katulad ng “Missed You” ni Sam Concepcion, “Itigil Mo Na” ni Bianca Umali, at “Sadly Falling” ni Hannah Precillas.

Ngunit nang tanungin kung bakit “Hot Maria Clara” ang paksang napili niya para kay Sanya, sinabi ni Direk Nijel na swak at bagay na bagay ang Kapuso actress para sa kantang nilikha niya.

Aniya, “Si Sanya kasi embodies the modern Filipina, bagaman sexy ay hindi nangahuhulugang malaswa.

“Iyong tipong strength of character and independence ang sexy sa kanya, hindi lang ‘yung panlabas na kaanyuan. She’s fit and when she’s acting onscreen, she has gravitas.”

Sa pangyayaring ito, mukhang umiinit ulit ang karera ni Direk Nijel de Mesa sa music industry. Matagal din siyang nagsilbi bilang Board Member ng FILSCAP at naging punong organizer ng mga Independent Musicians sa Filipinas – bago nag-crossover sa pagiging isang award-winning filmmaker.

Patok na patok din kasi ngayon ang kanyang nationalistic single na “Mahalin Natin Ang Pilipinas” na madalas niyang awitin sa mga live events na lagi siyang nabibigyan ng standing ovation ng madla.

Nang tanungin namin kung ano ang mas matimbang sa kanya, music o film, ang sagot niya’y, “Parehong mahalaga sa akin, pero ang Diyos ang nagsasabi kung saan ako kailangan.

“Salamat sa Diyos sa tagumpay na ito. Salamat sa mga mahal ko sa buhay na sumuporta, sa NDMstudios, kay Ms. Jan, sa aking pamilya, at sa aking butihing Ina,” masayang sambit ni Direk Nijel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …