Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Anderson Sins of the Father

Gerald pasabog ang pagbabalik-serye, scammers ilalantad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PATIKIM pa lang iyan at marami pang dapat abangan!” Ito ang tinuran ni Gerald Anderson pagkatapos ng screening ng pinagbibidahang serye, ang Sins of the Father noong Biyernes, June 13, 2025 sa Cinema 11 ng Gateway, Cubao.

Sinabi ni Ge na hangad niyang maraming matutunan ang manonood sa kanilang bagong serye sa Kapamilya. “Maraming destruction these days like scammer, social media,influencer, everything. So when I’m given the opportunity like this talagang ibinibigay ko ang best ko. Kasi alam ko na sa sitwasyon natin as a company as you know as a country hindi lahat nabe-blessed tulad nito.

“Kaya whenever we get oppotunities and blessings make the most out of it,” sabi pa ni Ge na napaka-relevant naman talaga ng crime thriller mystery drama.

Ang tagal naming nag-brain storm kasama sina direk then ipini-present namin doon sa mga actor, nagko-comment,  back to  drawing board, ang tagal, it took us like months para ma-come-up talaga namin ang solid na kwento na alam namin that we can be proud of,” sambit ni  Cenon Palomares, head writer ng serye nang matanong ukol sa kung paano at kung sino ang nakapagbuo ng istorya ng serye.

Ukol sa scam ang istorya ng Sins of the Father at inamin naman ni Cenonna in a way mula iyon sa mga tunay na pangyayari ang mga mapapanood sa serye. 

Comeback series ito kay Gerald at kitang-kita namin ang pag-evolve ng acting niya. Magaling at nag-matured na rin si Ge sa pag-arte kaya tama ang tinuran niya na ibang-iba ang karakter niya rito at istorya ng bagong serye.

Ibang-iba talaga siya. It’s different from ‘Budoy,’ ‘A Soldier’s Heart,’ ‘Tayong Dalawa’ at ng iba, but more than just the character, it’s the story itself like kanina. I think our bigger purpose for the show is to make people aware, nangyayari talaga ito, kaya nakare-relate ang maraming tao. 

“Kasi if it’s not you, may kakilala kayo na nangyari sa kanila ang ganitong kwento, so it might sure na motivated  alam ko na may maiuuwi sila every episode may mga bago kayong matutuhan, and may awareness, eye opener.

“And while you’re watching it, parang it’s a form na pwedeng mag-open-up hindi ka na matatakot, wala ng stigma na nangyari rin sa akin ‘yan. Because of the show mawawala ‘yung stigma and takot,” giit pa ni Gerald na magpapanood ang Sins of the Father imula June 23, (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, iWant, at TFC.

Kasama rin sa serye bukod kay Gerald sina Jessy Mendiola, Shaina Magdayao, JC de Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, Seth Fedelin, Lotlot de Leon, Joko Diaz, Soliman Cruz, Jerald Napoles, Nico Antonio, alex Medina, Aubrey Miles, Jeremiah Lisbo, LA Santos, JV Kapunan, Elyson de Dios, at Tirso Cruz III with special participation ni John Arcilla na gumanap na tatay ni Gerald, si Samuel.

Ang Sins of the Father ay isinult ni Dindo Perez at idinirehe nina FM Reyes at Bjoy Balagtas. Prodyus ng JRB Creative Production mula sa pamumununo ng business unit head nitong si Julie Anne R. Benitez. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …

Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng …