Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Grandchild apo Arjo Atayde Maine Mendoza

Sylvia excited ipakita ang apo; Arjo-Maine ayaw pang magsama sa pelikula

RATED R
ni Rommel Gonzales

FIRST time lola si Sylvia Sanchez kay Sabino, unang anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Pero kahit gaano ka-excited si Sylvia na ipakita sa buong mundo ang napaka-cute niyang apo, alam lumugar ni Sylvia.

May pasintabi siya palagi kina Zanjoe at Ria, tulad na lamang ng pagpo-post ng mga larawan at video ng bata.

“‘Yung pag-post ng picture, like bawal mag-post ng picture, eh ‘di hindi ko ipinu-post.

“Tapos, ‘pag gusto ko mag-post, ipinapaalam ko sa kanila na, ‘Ri, pa-approve mo nga ito. Puwede ba ito i-post?’

“‘Ay, Mommy, nakita ‘yung side ng ganito.’ Si Zanjoe, ‘Ay, oo Mom.’

“Eh, irerespeto ko ‘yun.

“Naiintindihan ko ‘yun, kasi marami ang nagsasabing bakit ang arte na hindi ipakikita. Kasi po, namba-bash kayo.

“Pati bata, inosente, pinagba-bash niyo.

“Ang dami nang bastos ngayon. Sorry, diretsahan.

“Na pati bata, binabastos, bina-bash. Kawawa naman ‘yung mga batang walang alam.

“Pero siyempre, ikaw din na magulang ka, maaano ka talaga, mapapaaway ka.

“So, sabi nga nila, kaysa mapaaway, huwag na lang. “Amin ‘yun, eh. Irespeto natin ‘yun.

“Pero isa lang po ang sasabihin ko sa inyo. 

“Napakaguwapo ng apo ko. Naman! Naman! Naman,” masayang bulalas ni Sylvia.

“Pinaghalong Ria, pinaghalong Zanjoe!”

Samantala, nilinaw ng actress/producer ang napabalitang may pelikulang gagawin sina Arjo Atayde at misis nitong si Maine Mendoza.

Alam ko, wala.

“Ang pinitch sa akin ni Sigrid, [Sigrid Andrea Bernardo na direktor], hindi ‘I’m Perfect.’

“Ang in-offer sa akin ni Sigrid, isang movie ko at ni Angel Aquino na pagsasamahan namin.

“Kaso nga, iyon ‘yung ‘Silhig’ na may short film sa ‘Cannes’ na ipinalabas, kami ni Angel, about lesbianism.

“Ang pangalawang in-offer sa akin ‘yung Arjo-Maine. 

“Sabi ko, ‘Naku, huwag mo nang i-pitch sa akin, ayaw pa nilang dalawang magsama.’

“Kahit i-pitch mo sa akin, kung ayaw ng dalawa, wala. So, ipinakita lang din niya sa akin.”

Posibleng isali ng Nathan Studios nina Sylvia at Ria ang I’m Perfect na nagsu-shoot na, sa direksiyon ni Sigrid.

Bukod sa producer ay artista rito si Sylvia kasama sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, at Joey Marquez.

Sa kabilang banda, dahil na-enjoy nang husto ni Sylvia ang kanyang Cannes Film Festival experience, ganado siyang makagawa muli ng pelikula na para rito.

Co-producer ni Sylvia si Alemberg Ang sa Japanese film na Renoirna lumaban sa main competition ng Cannes.

Hindi ako nagkamali na mag-trust kay Alem, sa grupo.

“Sana, hoping na susunod. Next year, mayroon na naman kami for next year,” masayang wika ni Sylvia.

Ipalalabas ang Renoir sa mga sinehan sa Japan sa June 20 at dito naman sa Pilipinas ay kasali sa QCinema Film Festival 2025 sa November.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …