Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
EDDYS

8th EDDYS mapapanood sa buong mundo, eere sa Jeepney TV, Kapamilya Channel, iWantTFC 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MAPAPANOOD sa kauna-unahang pagkakataon sa buong mundo ang 8th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice, mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Ito’y sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng The EDDYS at SPEEd sa iWantTFC ng ABS-CBN.

Nakatakda ang awards night sa  July 20, 2025 at itatanghal sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City. Habang sabay-sabay na ipalalabas ang kabuuan ng ika-8 edisyon ng The EDDYS sa iWantTFC, Kapamilya Channel, at Jeepney TV ng ABS-CBN sa July 27.            

Ang partnership ay pormal na ginanap sa ABS-CBN headquarters sa Quezon City, na dinaluhan nina Kane Errol Choa, ABS-CBN vice president for corporate communications at Ralph Menorca,  Head of ABS-CBN Programming and On-Air Operations.

Ang collaboration na ito ay isang milestone para sa EDDYS,” sabi ni Salve Asis, presidente ng SPEEd.          

Sa global presence ng ABS-CBN, tiwala kami na mas maraming tao, lalo na ang Filipino community sa buong mundo, ang makasasaksi kung paano namin kinikilala at binibigyang importansiya at pagkilala ang mga haligi at icon ng Philippine cinema, gayundin ang mga taong nagpapanatili sa industriyang ito na umunlad,” dagdag na pahayag pa ni Asis.          

Ang collaboration na ito ay parang pag-uwi na rin ng The EDDYS, dahil ang ABS-CBN ang kauna-unahang media partner sa inaugural edition ng film awards show noong 2017.                      

Ang taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS, mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, ay bahagi ng pagkilala at pagpapahalaga ng SPEEd sa mga pelikula, artista, at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.           

May 14 acting at technical awards na  ipamimigay sa 8th EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.   Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing na mga haligi ng movie industry.                  

Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon, at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Filipino sa loob ng mahabang panahon.                             

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).   

Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Producer of the Year. Muli ring pararangalan ng SPEEd ang mga naging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito – ang The EDDYS Box Office Heroes.

Abangan ang iba pang mga detalye sa inaabangang 8th The EDDYS mula sa SPEEd ngayong Hulyo.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals sa Pilipinas sa pamumuno ng presidente nitong si Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Para sa karagdagang detalye, maaring i-follow ang official Facebook page ng The Eddys (The Entertainment Editors Choice).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …