Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez

Sylvia nagpaka-faney sa mga kilalang Hollywoodstar; I’m Perfect pambato ng Nathan sa MMFF 2025

RATED R
ni Rommel Gonzales

KILALA at multi-awarded actress na pero hindi nahiya si Sylvia Sanchez na aminin na nagpaka-fanchina o nagpaka-faney siya sa mga kilalang Hollywood star na nakita at nakasalamuha niya kamakailan sa Cannes Film Festival 2025 na ginanap noong May 13 to 24. 

Doon na nga nagdiwang ng kanyang kaarawan si Sylvia noong May 19 sa France.

Sino ba naman ang hindi mai-starstruck kina James Franco, Jeremy Strong, at Elle Fanning na kung dati ay napapanood lamang ni Sylvia sa pelikula. Sa Cannes ay nakausap at nakapagpa-piktyur pa sila ng mister niyang si Art Atayde.

Ilan sa mga pelikula ni James ay ang Eat Pray Love, Rise of the Planet of the Apes, Oz The Great and Powerful, Pineapple Express, The Interview, at siyempre ang  Spider-Man.

Si Elle naman ay sumikat nang husto noong gumanap bilang prinsesa sa dalawang Maleficent movies na sila ni Angelina Jolie ang mga lead character bukod pa sa pelikula na kasama siya ni Brad Pitt, ang The Curious Case of Benjamin Button at sa sci-fi movie na Super 8.

Si Jeremy naman ay nakilala sa mga pelikulang The Big Short, The Gentlemen, at sa  The Apprenticena ipinalabas sa Cannes din noong nakaraang taon.

Natanong nga namin si Sylvia kung may Hollywood actor na siyang nasa isip na planong ipag-produce ng pelikula ng Nathan Studios? Sagot ng aktres, mayroon bagamat mahaba itong proseso.

Sana ay isa si Kate Winslet sa mga mai-produce ng Nathan Studios ng pelikula dahil noong pareho pa silang dalaga ay malaki ang pagkakahawig ni Sylvia sa sikat na Titanic actress.

Samantala, napili sa Cannes Film Festival main competition ang Renoir, isang pure Japanese film with Japanese cast and director na ipinrodyus ng Nathan Studios at ni Alemberg Ang.

Sa direksiyon ni Chie Hayakawa kuwento ito ng 11 year old na si Fuki (ginampanan ng Japanese child actress na si Yui Suzuki) habang nakikipaglaban sa buhay na ang setting ay sa Tokyo noong late 80’s.

Napuri ng mga kritiko ng Cannes ang pelikula.

Ipalalabas ang Renoir sa mga sinehan sa Japan sa June 20 at dito naman sa Pilipinas ay kasali ito sa QCinema Film Festival 2025 sa November.

Sa kabilang banda, kung may Topakkk ang Nathan Studios noong Disyembre 2024 sa Metro Manila Film Festival, susubukan nilang ipasok sa MMFF this 2025 ang bago nilang pelikulang, I’m Perfect na isang kakaibang kuwento ng pamilya at pagmamahalan.

May sisimulan na rin sila soon na isa pang kakaibang pelikula, ang Ria.

Hindi ito kuwento ng anak ni Sylvia na si Ria Atayde-Marudo na isa rin sa mga boss ng Nathan Studios.

Nasa I’m Perfect si Sylvia bilang artista ganoon din sa Ria sa isang shocking na papel at itsura na ire-reveal namin dito sa Hataw soon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …