Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LTO Marilaque Highway

LTO nakatutok sa Marilaque Highway

NAKATUTOK ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) – Tanay District Office sa kahabaan ng Marilaque Highway na minsan nang tinaguriang killer highway, kaya mahigpit ang isinasagawang implementasyon para sa kaligtasan ng mga biyahero na darayo sa lalawigan ng Rizal.

Sa pagsisikap ng LTO Tanay sa pamumuno ni Chief Jomel Quimpan, gumawa ng mga plano para muling maging ligtas ang Marilaque Highway, nagkaroon ng maayos na kolaborasyon ang LTO, katuwang ang mga  Local Government Units (LGU), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agency, kaya ngayon kinikilala na ang Marilaque Highway na ligtas na daanan para sa mga motorista.

Kabilang sa regular na isinasagawa ng LTO Tanay kasama ang ibang law enforcement unit ay ang regular checkpoints at safety inspections, pagpapatupad ng speed limit at pagpapatupad ng batas sa pagsusuot ng helmet na naglalayong maiwasan ang mga aksidente, maisulong ang responsableng pagmamaneho at maprotektahan ang mga lokal na residente, at bumibisitang motorista.

Ayon Kay Tanay LTO Chief Quimpan, ang top priority nila ay ang kaligtasan ng publiko kaya’t napakahalaga na i-promote ang kaalaman hinggil sa defensive driving, turuan ang mga rider sa kahalagahan ng tamang kasuotan sa pagmomotorsiklo at ang kondisyon ng sasakayan.

Samantala, umaabot sa 939 ang nahuli ng LTO Tanay District Office dahil sa reckless driving, over speeding  at overloading mula Enero hanggang Mayo 2025, ito ay dahil sa implementasyon ng Republic Act No. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …