Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeepney

Jeepney nahulog sa kanal 8 magkakapamilya sugatan

SUGATAN ang walong miyembro ng isang pamilya matapos mahulog sa kanal ang sinasakyang jeep habang bumibiyahe patungong graduation sa Brgy. Salvacion, bayan ng Murcia, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo ng umaga, 8 Hunyo.

Pawang mga residente ng Brgy. Minautok, Calatrava, Negros Occidental ang mga magkakaanak na biktima.

Ayon kay P/Maj. Sherwin Fernandez, hepe ng Murcia MPS, patungo ang pitong pasahero at ang driver sa isang paaralan sa Brgy. Alegria, nang matanggal ang kanang gulong sa harap ng jeep, dahilan upang mapunta ang sasakyan sa kanal.

Dinala ang mga biktima sa pribadong pagamutan ngunit agad din nakauwi matapos lapatan ng lunas ang mga sugat at mga galos sa kanilang katawan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …