Wednesday , August 13 2025
Sako-sakong bigas pabuya sa mga mangingisdang nakabisto ng P1.5-B shabu sa WPS

Sako-sakong bigas pabuya sa mga mangingisdang nakabisto ng P1.5-B shabu sa WPS

NAGKALOOB ang PRO3 PNP sa pangunguna ni Regional Director P/BGen. Jean Fajardo ng pabuya sa mga lokal na mangingisda na kamakailan ay nakakita, ng 10 sako ng hinihinalang shabu sa baybayin ng West Philippine Sea at kanilang isinuko sa mga awtoridad.

Matatandaan, habang nagsasagawa ng kanilang regular na aktibidad sa pangingisda noong 2 Hunyo, nadiskubre ng mga mangingisda ang mga pakete ng shabu na nakasilid sa sako na lumulutang sa dagat at agad nila itong iniulat sa mga awtoridad.

Nitong Linggo, 8 Hunyo, ipinaabot sa pamamagitan ni P/Lt. Col. Dennis Orbista, hepe ng Mariveles MPS, ang mga sako ng bigas para sa mga mangingisda sa Brgy. Sisiman, Mariveles, Bataan.

Lubos na pinuri ni P/BGen. Fajardo ang katapatan at mabilis na pagkilos ng mga mangingisda, na binibigyang-diin ang kanilang mahalagang papel sa pagtulong sa pagpapatupad ng batas na pigilan ang paglaganap ng ilegal na droga sa rehiyon.

Dagdag ng opisyal sa mensaheng ipinadala sa pamamagitan ng Mariveles MPS, ang ganitong uri ng citizen initiatives ang nagpapalakas sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Aniya, ang donasyong bigas ay nagsisilbing tanda ng pasasalamat mula sa PNP, na kinikilala ang katapangan at moral na paninindigang ipinakita ng mga mangingisda, na ang mga aksiyon ay nagpapakita ng diwa ng bayanihan at ang magkatuwang na responsibilidad sa pagtataguyod ng isang mas ligtas at walang drogang komunidad ng Bataan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Bauertek Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival

“Filipino inventors wins 3 golds at the Silicon Valley International Invention Festival”

 Filipino Inventors shine bright in the recently concluded 4th Silicon Valley International Inventions Festival, held …

SM LittleStars 2025 Grand Finals

Young Talents Shine at #SMLittleStars2025 Grand Finals

THE spotlight beamed brightly at the #SMLittleStars2025 Grand Finals, as the country’s most gifted youngsters …

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

DOST-CAR hosts back-to-back events in Baguio City to champion resilience and innovation in Luzon

Baguio City – The Department of Science and Technology – Cordillera Administrative Region (DOST-CAR) have …