Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joey Paras, puwede nang ipantapat kay Vice Ganda?

USAP-USAPAN ang magandang pagtanggap ng publiko sa pelikula ni Joey Paras, ang Bekikang, Ang Nanay Kong Beki na idinirehe ni Wenn Deramas mula sa Viva Films.

Bukod sa Graded B ito ng Cinema Evaluation Board (CEB) marami ang nagsasabing napatawa, napaiyak at nagalingan sila sa acting na ipinakita ni Joey sa kanyang launching movie. Kaya naman ang tanong ng marami, si Joey na kaya ang tatalo o puwedeng ipantapat kay Vice Ganda?

Kung pagbabasehan ang naging response ng mga taong nakapanood ng kanyang pelikula, posible, baka o malay natin. Pero kailangan pa nating hintayin kung magkano ang kinita nito sa takilya. Marami ring bagay na dapat pang patunayan si Joey para maabot ang kinalalagayan ngayon ni Vice.

Samantala, sinasabing ang pelikulang Bekikang ay magpapa-iyak at magpapatawa sa sinumang manonood. Isang comedy movie ito pero, aantigin ang inyong mga damdamin.

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang Bekikang at kasama rito ni Joey sina Tom Rodriguez, Tirso Cruz III at marami pang iba.

“Malakas ang hatak ni Joey sa masa,” minsang nasabi ni Direk Wenn kay Joey na nagsimula ang career sa teatro at nanalo na ng acting trophy sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival para sa kanyang supporting role bilang cyber-scammer na si Jason Paul Laxamana sa Babagwa.

Nagmula si Joey sa Tanghalang Pilipino Actors Company at nakalabas na sa mga teleseryeng Ikaw Sana, The Last Prince, Kapag Puso’y Nasugatan, Petrang Paminta, at kasama siya ngayon sa Galema, Anak ni Zuma. Napanood naman siya sa mga pelikulang Sisteras at  Bromance: My Brother’s Romance, na parehong idinirehe ni Direk Wenn.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …