Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiai, malaking bday concert ang gagawin sa 2015 (Bilang silver anniversary at wala raw dapat sumabay…)

WALA talagang dull moment kapag si Ai Ai delas Alas ang kausap. Kahit pagod sa trabaho o napagod ang puso, laging nakapagpapatawa pa rin ang tinaguriang Comedy Concert Queen.

Kasama kami sa dumalaw sa taping ng aktres ng TodaMax sa may Speaker Perez at napag-usapan doon ang tungkol sa kanyang birthday at concert. Tuwing nagbi-birthday kasi ito’y may concert na ginagawa. Pero this year, tila tahimik ang aktres tungkol dito.

Aniya, may malaki raw siyang pinaghahandaan. Ito ay ang kanyang 25th anniversary na magaganap sa 2015. Isang pasabog na concert ang gagawin niya na ngayon pa lang ay pinaplano na.

Sinabi ni Ai Ai na isang pasabog na concert ang magaganap sa Mall of Asia Arena.

“’Pag sa 25th year ko sa 2015, January pa lang, ia-announce ko na, walang sasabay ng November sa akin. Kahit foreign artist o local, wala. Ako lang.

“Magagalit talaga ako pag may sumabay sa akin. January pa lang, ia-announce ko na. Huwag kayong sasabay sa akin! Sa buong Pilipinas, sa lahat ng concert artists, huwag n’yo akong sasabayan sa November, 2015,”  giit ni Ai Ai.

Idinagdag pa nitong, “magagalit talaga ako ‘pag mayroon akong kasabay. Aawayin ko siya. Ang tagal-tagal ko itong hinintay. Last na nag-concert ako 2010 pa. Kaya inaabangan ko talaga itong 2015 kasi silver anniversary ko sa showbiz. Pasabog talaga ito.”

Tiyak ngang pasabog ito dahil ngayon pa lang ay pinaplano na ang naturang concert.

Samantala, masaya si Ai-ai dahil mataas ang ratings ng Wansapanataym Special na siya ang featured artist sa buwan ng Oktubre na ang episode title ay Moomoo Knows Best.

Sa pilot episode nito noong Oktubre 12 ay number 1 all over-all weekend program na nagtala ng 30.8% ratings.

At sa pagpapatuloy nito ngayong Sabado, mas titindi na ang kompetisyon  ng mga karakter nina Ai Ai at Cherry Pie Picache. Ngayong tunay at matapat na esperitista na si Joanna (AiAi), muling susubukin ang kanyang kabutihan sa pagpasok ng mapanira niyang karibal na si Lavender (Cherry Pie).

Kaya abangan ang Wansapantayam ngayong Sabado sa ABS-CBN2.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …