Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito — Angel’s official statement

NAGULAT kami ng mapanood sa Bandila noong Huwebes ng gabi si Angel Locsin. Nagbigay siya ng pahayag tungkol sa hiwalayan nila ni Phil Younghusband at sinabing tatlong linggo na raw silang hiwalay.

Kaya kami nagulat ay dahil noong Martes lang kami nagkita ni Angel sa taping ng Toda Max at sinabi niyang ayaw pa niyang pag-usapan ang nangyari sa kanila ng boyfriend bukod pa sa busy siya sa pagbabasa ng script.

Inisip namin na gusto ng tuldukan ng aktres ang mga naglabasang isyu kaya nagpa-interbyu na siya sa sinasabing online, pero laking gulat ulit namin dahil 1:00 ng madaling araw ng Biyernes ay tinext niya kami ng kanyang official statement.

Aniya, “this is my official statement, ‘sa mga naglalabasang balita kung saan na-quote po na nagpa-interview ako, hindi po ito totoo.

“Wala pa po akong nakakausap about the issue dahil sa totoo lang po hindi ko pa ho kayang kumausap ng kahit sino sa press at nagsi-sink in pa lang po sa ‘min ngayon ang lahat ng ito.

“Pasensiya na po. Dalawa pa lang po ang nakausap ko, Si Manay Ethel (Ramos) na manager ko at si Darla (Sauler—head writer ng ‘Buzz ng Bayan’ at ‘Kris Reali-TV’) na sinagot ko lang po ang text sa akin dahil naramdaman ko ang sincerity nila although hindi po ako directly nagsalita about sa amin ni Phil. It was also off the record.

“Sa lahat po ng nagtatanong kung totoo bang hiwalay na kami ni Phil, Totoo po.

“Sana po maintindihan n’yo kung hindi na po namin sasabihin ang dahilan pero maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito.

“Pasensiya na po kung hindi po kami makasagot agad tungkol sa status ng aming relasyon.

“Lalong-lalo na po sa mga sumuporta sa aming dalawa. Hindi po namin kayo binalewala mahirap lang po talaga kung nasa ganitong sitwasyon.

“Nagulat na lang kami na naunahan na kami ng balita bago pa man kami makapag-usap uli.

“Salamat po sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa journey namin ni Phil lalo na ho rito sa twitter. Hinding-hindi po namin malilimutan.”

Sabi namin kay Angel, ‘noted ingat ka at goodluck sa Legal Wife (bagong serye ng aktres)’ at nag-text back ng smiley ang aktres.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …