Monday , April 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Eala

Eala pokus sa Grass Season sa Birmingham, England

GORA ang sentro ng atensiyon ni Alex Eala sa grass season pagkaraan ng kanyang ratsada sa French Open sa Paris, France.

Uunahin ng Pinay netter ang kampanya sa grass sa WTA 125 Lexus Birmingham Open na gagawin sa Birmingham, England.

No. 3 seed si Eala sa torneo dahil sa kanyang kasalukuyang puwesto na No. 73 sa WTA rankings.

Sa first round ng Birmingham tournament, makasasagupa ni Eala si Linda Fruhvirtova ng Czech Republic.

Pamilyar na si Eala kay Fruhvirtova na nasa No. 152 sa WTA. Nagkadaupang palad ang dalawa noong nasa juniors sila.

Matatandaang naitala ang 1-1 sa head-to-head ng dalawang netter.

Nanalo si Eala sa unang paghaharap nila ni  Fruhvirtova noong 2019 sa ITF Cape Town tournament sa Cape Town, South Africa.

Sa paglipas ng dalawang taon, muling nagharap sina Eala at Fruhvirtova sa Great Britain na angat ang Czech netter sa J1 Roehampton tournament.

Pero ibang usapan umano ang pro level dahil marami nang pinagdaanan si Eala partikular ang impresibong kampanya sa Miami Open na tinalo niya ang tatlong Grand Slam winners kabilang na si reigning French Open champion Iga Swiatek ng Poland.

Bukod sa singles, sasabak si Eala sa doubles kapares si Rebeka Masarova ng Switzerland.

Haharap sina Eala at Masarova kina Australian pair Ellen Perez at Storm Hunter sa opening round.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Philippine Rowing Association 2026 PRA Indoor Meet

Local rowers nagpakitang-gilas sa 2026 PRA Indoor Meet

MAYNILA, Pilipinas — Matapos ang dalawang araw ng matinding kompetisyon, pinarangalan ng Philippine Rowing Association …

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Pink Sisters

Kapayapaang Espiritwal sa Pink Sisters

ni Teddy Brul ISA sa mga pinakatahimik at sagradong destinasyon ng mga deboto ngayong Semana …

Gun Fire

Sa Catbalogan, Samar  
Holdapan sa bus terminal nauwi sa barilan 1 patay, 1 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang isang suspek, habang sugatan ang isa pa nang mauwi sa barilan …

Captain Hook

Bebot ninakawan ng halik, Captain Hook nakalawit sa Taguig

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang professional basketball player nang nakawan ng halik ang isang …