Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabriel Go Atty Don Artes MMDA LTO NCAP
SA PANGUNGUNA ng Special Operations Group Strike -Force (SOG-SF) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinamumunuanni Gabriel Go, at sa atas ni MMDA chairman, Atty. Don Artes, personal na inilipat at inendoso sa Land Transportation Office (LTO) ang mga dokumento na naglalaman ng mga larawan ng mga motorista na sinadyang tinakpan, itinago, at binago ang mga plaka ng mga sasakyan upang makaiwas sa Non-Contact Apprehension Policy (NCAP) o ‘takip-plaka’ isang ‘paraan’ na nahuli sa pamamagitan ng mga CCTV camera ng ahensiya na iniulat sa MMDA habang iba ay na-monitor sa social media. (EJ DREW)

MMDA, LTO nagbabala sa mga motoristang  ‘takip-plaka’ vs NCAP

MAHIGIT sa 50 drivers ang posibleng humarap sa mga kasong kriminal dahil sa pagtatakip ng kanilang mga plaka upang huwag mahagip ng mga CCTV camera ng Non-Contact Apprehension Policy (NCAP).  

“Sa loob ng isang linggo mula nang ipatupad ang NCAP, 90% ng mga nahuli ay may takip ang kanilang plaka, at kadalasang mga motorsiklo,” ayon kay Gabriel Go ng Special Operations Group – Strike Force (SOG-SF) Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),

sa isang press briefing na ginanap sa opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City.

“Inatasan ni Chairman Don Artes ang aming mga tauhan sa field na pisikal na hulihin at magbigay ng citation tickets sa mga sasakyang may nakatagong plaka agad-agad. Ang MMDA ay patuloy na nagmamanman sa mga sitwasyon ng trapiko gamit ang mga CCTV camera sa aming MMDA Communication and Command Center,” dagdag ni Go.

Tiniyak ni LTO Executive Director Greg Pua Jr., agad nilang ipadadala ang show cause orders sa mga lumalabag sa batas trapiko.

Binalaan din niya ang mga motorista laban sa pandaraya sa pagtatago ng kanilang mga plaka upang maiwasan ang huli sa NCAP o ang paglabag sa Republic Act No.11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act, alinsunod sa mga probisyon ng Article II, Section 12, na nagsasaad na ang sinadyang pagtatago ng nababasang plaka ay parurusahan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang dalawang taon, o multa na hindi hihigit sa P10,000.

“Walang makaliligtas sa batas, agad na magpapadala ang LTO ng show cause orders laban sa mga motorista na nagbago ng kanilang mga plaka at paparusahan sila,” paliwanag ni Pua.

“Ang pagtatakip ng plaka ay isang paglabag sa batas trapiko. Gagamitin namin ang lahat ng aming mga mapagkukuhaan upang matukoy ang mga lumalabag. Ito rin ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa kalsada,” dagdag ni Pua.

Nakikipag-ugnayan ang LTO sa Anti-Cybercrime Group at iba pang ahensiya ng batas upang subaybayan ang mga nagtataguyod ng ilegal na taktika sa social media at nagbebenta ng mga bagay na naglalayong itago ang mga detalye sa mga plaka ng sasakyan.

Ang LTO at MMDA ay nananawagan sa publiko na i-report ang mga ganitong paglabag upang sila ay makagawa ng aksiyon. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …