Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Amara Shia Shina Aquino Anne Curtis Sanya Lopez Janella in Japan

Anne Curtis dream celebrity endorser ng CEO ng Amara Shia

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

Pangarap ng CEO at may-ari ng Amara Shia na si Ms Shina Aquino na maipasuot o maging celebrity endorser ng kanyang brand ang aktres na si Anne Curtis

Sa kanilang ika-5 anibersaryo sa pamamagitan ng isang exclusive, invitation only gala event na ginanap sa Okada Manila noong Mayo 27, 2025 sinabi ng CEO/owner ng Amara Shia na dream celebrity niya ang aktres/host ng It’s Showtime.

May naka-reserve na sa  kanya (jewelry) pero hindi natin alam, si Lord na ang bahala roon,” masayang wika ni Ms Shina nang matanong ukol sa dream endorser.  “For me kasi kahit ano ang ipasuot mo sa kanya, kumbaga, lalong nagiging premium, iba talaga. Gugulong talaga ako kapag siya ang nakapagsuot ng alahas ko,” nakangiting wika pa ni Ms. Shina nang humarap sa mga invited press kasama ang dalawang ambassadress niyang sina Sanya Lopez at Janella in Japan.

Ang Ama Shia ay isang brand na nag-specialize sa diamond o diamanteng alahas na nag-o-offer ng iba’t ibang variety ng style ng singsing, kwintas, hikaw, at bracelets. Mayroon din silang diamond pendant initials at diamond sets. Ang brand ay kilala sa mga natural diamond collection at personalized options. 

Aminado naman si Ms Shina na malaking tulong sa kanyang negosyo sina Sanya at Janella in Japan.

Of course bukod sa sobrang pretty nila, sikat po sila. Pero along the way na matagal na ang relasyon namin, hindi na sila iyong sikat sila, maganda sila. Hindi na iyon. Sa rami ng nakusap ko and sa raming influencer,  si Sanya at si Janella sobrang iba sila. Kasi small things, big things, sobrang grateful sila sa lahat.

“Kaya sobrang…hindi na sa business eh, we are more on the relationship na sobrang hirap tibagin. ‘Thank you kasi kayo naman iyong nag-trust sa brand and sobrang thankful ako, kami ni Ian ng husband ko na nakuha namin kayo, na-meet namin kayo, na napunta na talaga sa friendship, more on sisters na (relatinship) and thank you talaga,’” nawika ni Ms Shina sa kanyang dalawang endorser na ang milestone event na iyon ay nagtipon sa pinakamahalagang VIP client ng Amara Shia para sa isang gabi ng kagandahan, pagpapahalaga, at pagdiriwang.

Thankful naman si Sanya sa pagkakuha sa kanya bilang endorser ng brand. 

Sobrang happy ako na iyong tiwala niya andyan pa rin,” sabi naman ni Sanya. “At nakatutuwa siya ang daming blessings. Pero alam mo sa tuwing may blessings siya parang kasama ka, parte kayo. Iyon ‘yung reason siguro kung bakit masyado siyang blessed, because she shares her blessings. Same kay Mr Ian na ang dami nilang mga blessing and yet hindi mo mararamdam iyong yabang hindi sila iyon,” dagdag pa ni Sanya.

Simula noong nagsimula ang Amara Shia isa na si Ms Shia, Mr Ian na naniwala sa akin. And siyempre iyong trust na ibinigay nila sa akin eh ganoon din ang tiwalang ibinigay ko. Nakatutuwa na they are very successful pero sobrang humble. Kung napapansin ninyo kapag kausap natin sila hindi nila ipinararamdam na CEO sila, na boss sila because kahit naman sa akin, ipinaramdam nila sa akin na iisang pamilya kami rito,” papuri ni Sanya sa mag-asawa at may-ari ng sinasabing nangungunang brand ng alahas sa bansa.

Aminado naman su Janella in Japan na nabigla siya nang kuning endorser. 

Nabigka talaga ako, kaya nasabi ko na ‘bakit ako, mas maraming mas deserving, mas malalaking pangalan na vlogger, influencer kaysa akin and yet ako ang pinagkatiwalaan at pinili niya. Kaya sobrang pasasalamat ko talaga and mag-two years na akong ambassador.

“Sobrang thankful ako sa kanila hanggang ngayon dahil hindi lang po ambassador ang turing nila sa akin parang kapatid nila ako, ganoon sila magturing si Ma’am Shina, Sir Ian, sobrang comfort and malaking blessings po sila para sa akin,” sabi pa ni Janella na super excited nang maging first mom.

Aminado kapwa sina Sanya at Janella na napaka-gandang investment ang alahas. 

Ang nakatutuwa, dati mga babae lang ang nag-i- nvest sa mga jewelry pero now lahat na, even guys, makikita mo lahat naka-diamond. Kasi okey din naman iyong gold simpleng simple lang. Pero makikita mo now ang mga boy naka-diamond, nagle level up, which is good ha. Malaking bagay ito na siyempre ‘yung mga kabataan din na who wanted to enter this business mayroon silang idea na maganda ito kasi ang jewelry hindi naluluma lalong gumaganda habang tumatagal,” ani Sanya.

“From gold to diamond na experience ko rito makita ang difference nila. Ang unang nakita ko sa kanila noon it’s just a status symbol pero habang tumatagal po ang  symbol na ng jewelry eh self love,” dagdag naman ni Janella na minsang nakikitang nagla-live selling ng Amara Shia.

Nag-umpisang magbenta ng retail ang Amara Shia at malaking tulong sa kanila anh live selling.

“We started retail pero si live selling is really different. It’s like ‘yung 20 percent sa retail ‘yung physical store—we started pandemic, local brand sa Gen San, nag open kami ng first brand hanggang nag expand kami sa Manila, roon namin nalaman ang lawak ng market. Not everyone can go to our store siyempre hindi lahat malapit. When we started live selling doon namin na-realize na ‘oh my God ito pala iyon, narito pala iyon (malakas at malaking bentahan). Kasi if you have the store riyan ka mag-start ng branding eh, pero ‘yung live selling sinasabi ng iba bakit ka nag-live seling, iyong ano (premium) bababa. No! iba ‘yun, ang sales talaga namin ay naku iba,” nawika pa ni Ms Shina na aminadong sa libe selling ay may mga nagma-mine ng worth P2M-P5-M.

Samantala, dahil nagdiriwang sila ng kanilang ika-5 anibersaryo, magpapa-raffle ang Amara Shia ng P1,000,000 sa nalalapit nilang live selling event ngayong Hunyo kaya abang-abang na.

Inanunsiyo rin ng CEO ng Amara Shia na magbubukas sika ng branch sa BGC at ang official launch ng kanilang Production House, isang creative expansion na naka-focus sa content creation, story telling, visual branding, at quality service area.

This evening is a celebration of the relationships we’ve built over the last five years.” sabi pa ni Ms Shina. “As we look ahead, we’re excited to deepen these connections and continue delivering excellence, not only in our pieces but in every experience we create.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …