RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI patolera sa bashers ang Sparkle actress na si Ashley Ortega.
“Ay, parang hindi naman po. Never ako pumatol actually sa mga basher, pero may mga bash before na medyo naapektuhan ako as a human being also.
“Pero ngayon kasi parang deadma na lang ako sa kanila, eh.
“I think there was a time na medyo naapektuhan ako sa mga sinasabi nila towards me.
“‘Yung parang ang tagal sa industriya tapos wala pa masyadong napatutunayan.”
Tinawag ng basher si Ashley na “starlet.”
“Ayun, ‘yung masabihan ng ganoon before, so I would always prove myself na I’m more than that.
“So iyon ‘yung parang pinaka-bash na siguro na medyo na-hurt ako, pero aside from that, wala.
“Parang pagmamahal na lang. So I’m just really grateful and actually sa bash, sometimes ‘yung mga negative criticism na sinasabi ng mga tao, I would use it as a motivation to become a better actor, to become a better person, so mas win-win situation.
“Ako naman, hindi naman po ako ‘yung nagho-hold ng grudge sa isang tao, kasi parang hindi ko kayang magalit ng matagal.
“So nili-let go ko na lang ‘yung mga negative energy.”
Hindi naman siguro kukuning endorser ng Luxe Slim beauty and wellness drink si Ashley kung starlet siya.
Ang produktong ineendoso ni Ashley ay mula sa Luxe Beauty and Wellness Ventures Corp. ng CEO at founder na si Anna Magkawas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com