HARD TALK
ni Pilar Mateo
MAGALING na kwentista si Rossanna Hwang.
At naisasalin niya sa script ang mga nahahabi niyang istorya sa isipan. Mula sa personal na karanasan. O kaya naman eh, sa busog na imahinasyon.
Kaya nabuo niya ang Isang Komedya sa Langit. Na inilabas sa pamamagitan ng isang aklat. At ngayon eh, isa ng pelikula.
Aabangan na ito sa lahat ng SM Cinemas simula sa Mayo 28, 2025.
Istorya ng tatlong pari sa panahong 1872 ang simula ng istorya. Na mapupunta sa kasalukuyang panahon.
Pawang batikan sa komedya at drama ang inilagay ng Kapitana Entertainment sa cast. Sina Jaime Fabregas, Gene Padilla, at EA Guzman. Na sinuportahan nina Aki Blanco at Carmi Martin.
Iba ang humor na ibinahagi ni direk Roi Paolo Calilong sa pelikula. Dahil nakatutuwa ang mga ginagawa ng tatlong pari pero gusto mong maiyak.
May rating na PG mula sa MTRCB ang pelikula na sinuportahan ng Security Bank at Chooks to Go.
Mula sa digmaan ng 1800s sa panahon ng bagong henerasyon, nakagawa ng misyon ang tatlong pari. Paano ba nila ginawa? At muli ba silang nakabalik sa tunay na mundo nila?
It’s a feel good movie.
Mukhang magtutuloy-tuloy na si Rossanna sa paggawa ng pelikula. Kahit pa sa una niyang sabak bilang producer sa isang palabas sa telebisyon na nagbahagi ng buhay niya bilang isang Kapitana, na nagbigay ng heartbreak sa kanya, ang big screen na ang hamong kinakaharap niya.
Matapang! Kapitana, eh.
Kaya panoorin ang out-of-the-ordinary kwento ng mga paring nag-time travel!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com