Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Billy Crawford Nadine Lustre Janno Gibbs Arthur Nery Pops Fernandez

Billy gem na makatrabaho sina Nadine, Janno, Arthur, at Pops

SI Billy Crawford ang host ng programa at kasama niya ang all-star at powerhouse na bagong panel of celebrity judge-detectives na susubukang tukuyin at hulaan ang mga mukha sa likod ng maskara at boses kasama sina Nadine Lustre, Janno Gibbs, Arthur Nery, at. Pops Fernandez.

Ano ang pinaka-challenging na parte na maging host ng Masked Singer Pilipinas?

Ang pagho-host…ako, hindi rin ako binibigyan ng kung sino-sino ang nasa likod ng maskara. So the biggest challenge for me also is kailangan kong kilalanin kung sino ang nasa loob ng maskara because siya at siya ‘yung makakausap ko.

Kaya I guess that is my biggest challenge lang for me, and also kung paano kong ititigil magsalita si Arthur Nery, kasi ang daldal niya po rito sa ‘Masked Singer’ season 3,” ang tumatawang pahayag ni Billy.

Bilang host ay puring-puri si Billy ng judges.

That’s actually what gives me strength to actually do better at my job, is ‘yung… suportahan lang naman ‘tong trabahong ‘to eh.

“Kung may isang nakikita kang medyo… everybody has their bad days, ‘di ba? ‘Pag gising mo ng umaga hindi naman maganda ang araw mo kaagad-agad, eh.

“Pero just by staying positive, it keeps everybody positive around you and it just… nakakahawa lang siya, so kung si daddy Janno magpapatawa, sasakyan ko na rin!

“So everybody has the same energy and just feeds off of each other. Iyon, gumagaan lang ‘yung trabaho.

“And hello, I’ve been doing this for more than 30 years, so I think… nagpapasalamat  lang ako na gumagaan at gumagaan lang ‘yung trabaho ko, kasama ng mga talented and amazing performers.”

Kumusta katrabaho sina Janno, Pops and Arthur?

I’ve said it numerous times, it’s a gem working with amazing, talented people on a regular taping day, so parang it’s not even work anymore.

“Kumbaga nag-e-enjoy lang ako kasama nila.”

Sa Masked Singer Pilipinas ay 16 na talentadong singers ang magpapasiklaban suot ang kani-kanilang creative at makukulay na costumes, bawat isa’y may itinatagong tunay na katauhan — ngunit iisa lamang ang mananatiling masked hanggang sa dulo at magiging grand winner ngayong season. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …