Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Molotov cocktail bomb

Kapilya ng INC tinangkang sunugin kelot arestado

ARESTADO ang isang 40-anyos construction worker matapos tangkaing sunugin ang isang kapilya ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Brgy. Soledad, bayan ng Mauban, lalawigan ng Quezon, nitong Lunes, 19 Mayo.

Ayon sa pulisya, armado ang suspek na kinilalang si alyas Arjay, ng tatlong Molotov cocktail bomb, saka pumasok sa loob ng kapilya.

Sinubukan siyang awatin at pigilan ng mga miyembrong nasa loob ng kapilya ngunit hindi siya nakinig.

Sinira umano ng suspek ang isa sa mga bintana saka inihagis ang dalang pampasabog na pinagmulan ng apoy na agad din naapula ng mga miyembro.

Umalis ang suspek at nagbantang babalik upang tuluyang sunugin ang kapilya.

Nadakip ang suspek sa ikinasang follow-up operation ng pulisya sa Brgy. Sadsaran, sa naturang bayan.

Samantala, tinatayang nagkakahalaga ng P50,000 ang pinsala sa kapilya dahil sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …