Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Frankie Yaya Irish Miel Miguel

Sharon binitbit Yaya ni Frankie sa Amerika

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKATUTUWA naman iyong ginawa nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan. Dinala kasi ng mag-asawa ang Yaya ni Frankie na si Irish para makadalo sa college graduation ng panganay ng anak ng Megastar.

Naunang tumulak pa-Amerika si Sharon pagkatapos ng eleksiyon at sumunod na lamang si Kiko kaya hindi nakadalo sa proclamation ng mga senador na ginanap last Saturday.

Sa Instagram post ni Sharon, ibinahagi nito ang mga kaganapan sa graduation ni Frankie na dumalo rin ang mga anak na sina Miel at Miguel.

Sa isang picture ring ibinahagi ni Ate Shawie, makikita na naroon din si Yaya Irish na nakasama nila sa mahabang panahon.

Caption ni Sharon, “Our surprise for @frankiepangilinan on her grad was her Yaya Irish! We brought her with us because she has take care of Kakie for years now and they are so close!”

Siyempre ibinahagi rin ni Sharon ang family picture nila sa kanyang post gayundin ang pamamasyal nila sa Chinatown sa NYC.

May caption naman iyong, “Reunited! #chinatownnyc.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …