Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador Emojination

Maja sa pagiging ina: masarap na pagod, worth it

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISANG taon na sa May 31 si Maria, ang anak nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Para kay Maja, ano ang pinaka-best part ng pagiging ina?

“Everything,” bulalas ni Maja.

Siguro ‘yung gigising ka sa umaga, hindi nga sa umaga, sa madaling araw, tapos may katabi ka ng little you, ‘di ba? Mini me, so ang sarap sa pakiramdam.

“Hindi mo talaga mae-explain, eh.”

Aminado si Maja na may pagod ding kasama ang pagiging nanay, lalo na sa tulad niyang first time naging ina?

“May pagod, totoo ‘yun! Totoong nakapapagod. Pero ‘yung masarap na pagod, sulit, worth it.”

Hands on mom si Maja, as in mismong siya ang nagpapalit ng diaper ni Maria.

“Opo, hands-on talaga ako.”

Nagpadede rin si Maja.

Ngayon nag-stop na, nag-dry na ‘yung milk ko noong nag-diet ako at saka balik-workout, nagsayaw-sayaw. Ganoon daw ‘yun eh, nagda-dry, so…

“Happy naman ako inabot ako ng eight months sa pagbe-breast feed.”

Maging si Rambo ay hands-on dad kay Maria.

“Sobrang close sila ng anak ko. Kasi sa mga pamangkin pa lang ni Rambo, isa ‘yun sa kinain-love-an ko eh. ‘Yung alam niya na mahilig siya sa bata, so iyon.

“Kumbaga ‘yung mga nakikita ko dati, nai-imagine ko dati ngayon nangyayari na.

“Recently I had a show sa Ilocos Sur and La Union so nagwo-work ako. Eh ‘yung anak namin gusto sa beach, mahilig mag-swimming.

“So naiiwan sa kanya, so silang dalawa nagsu-swimming. Tapos nakikita ko na lang ‘yung photos and videos na sobrang nag-e-enjoy so ayun,” ang masayang kuwento pa ni Maja.

Balik hosting si Maja sa Emojination Season 5 tuwing Sabado, 5:30 p.m. sa TV5  at may same-day catch-up sa BuKo Channel ng 8:00 p.m..

Kasama rito ni Maja bilang co-host ang Last One Laughing (LOL) Season 1 grand winner na si Chad Kinis at nagbabalik din ang ever-energetic sidekick na si Chamy Aguedan.

At ayon kay Michael Tuviera, President at CEO ng APT Entertainment, “Our production team has worked tirelessly to ensure that ‘Emojination’s Season 5’ brings something new and exciting to the table. We’ve put in the effort to create unforgettable moments that will truly make this season stand out.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …