Wednesday , August 20 2025
Motorcycle Hand

Operasyon ng motorcycle taxi company ‘status quo’ – LTFRB

MANANATILI ang operasyon o ‘status quo’ ang pagbiyahe ng motorcycle taxi na Move It.

Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos magsumite ng Motion for Reconsideration ang nasabing ride-hailing company.

Tugon ito ng LTFRB sa utos ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan ang bilang ng kanilang fleet at pagpapatigil ng operasyon sa ilang lugar na bahagi ng pilot study.

Ayon kay LTFRB spokesperson Atty. Ariel Inton, ang regulasyon ng motorcycle taxis ay nasa ilalim pa rin ng multi-agency technical working group kasama ang DOTr, LTFRB, at LTO, at hindi lamang ang LTFRB ang gumagawa ng desisyon dito.

Tiniyak ni Inton na mananatili o status quo habang pinag-aaralan ng technical working group ang motion for reconsideration ng Move It, kaya patuloy na makabibiyahe ang mga rider.

Sinabi ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na isinasaalang-alang ng TWG ang kapakanan ng mga motorcycle taxi rider, habang isinusulong ang ligtas at maayos na sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI

‘Tisay’ tiklo sa online sexual exploitation; 5 menor de edad nasagip

Inaresto ng mga awtoridad ang isang babae sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, dahil …

SJDM Bulacan P.372M marijuana THC vape cartridges

Sa SJDM, Bulacan
P.372M high-grade marijuana, THC vape cartridges nasabat

NASAMSAM sa ikinasang operasyon ang Bulacan PPO ang tinatayang P372,970 halaga ng hinihinalang high-grade marijuana …

Bongbong Marcos flood control project Bulacan

Banta ni PBBM
Kontratistang sangkot sa palpak, incomplete flood control project sa Bulacan tiyak na mananagot

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na papanagutin ang lahat ng kontratista, kawani at opisyal …

FIVB Kid Lat Kool Log

FIVB Men’s World Championship, ramdam na sa Cebu

UMABOT na sa Visayas, partikular sa Cebu City, ang kasabikan para sa FIVB Volleyball Men’s …

DOST 2 Cauayan City

DOST 2 Powers Cauayan City’s Drive for Green Mobility and Smart Solutions

Cauayan City took a significant leap toward becoming a model smart and sustainable community as …