Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Termite Gang

P3.7-M alahas, pera nakulimbat ng ‘Termite Gang’ sa Pawnshop

ISANG manhunt operations ang inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawang miyembro ng ‘termite gang’ na pumasok sa isang pawnshop at tumangay ng P3.7 milyon halaga ng mga alahas at pera nitong Martes, 13 Mayo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na humukay ang mga suspek ng daan patungo sa EJM Pawnshop sa panulukan ng Quirino Highway at Susana St., sa Brgy. Gulod ng nabanggit na lungsod.

Nadiskubre ng isa sa mga empleyado ng naturang pawnshop ang pagsalakay ng ‘termite gang’ dakong 4:00 ng madaling araw.

Agad iniulat sa Novaliches Police Station at sinuri ang CCTV footage kaya nakitang lumabas sa isang butas sa loob ng pawnshop ang mga suspek.

Bukod sa sinira ng mga suspek ang alarm ng pawnshop puwersahang binuksan ang vault sa pamamagitan ng acetylene torch.

Natangay ng mga suspek ang mga alahas na nagkakahalaga ng P3.5 milyon at P200,000 cash.

Ayon sa pulisya, maaaring ginamit na daan ng mga suspek ang manhole malapit sa naturang pawnshop.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …