Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Gonzales

Jeric gustong maging housemate

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASAYA ang Sparkle artist na si Jeric Gonzales na lalong nagiging solid ang collaboration ng GMA at ABS-CBN.

“Masaya, masayang-masaya po.

“Ang sarap sa pakiramdam kasi makikita natin na nagko-collab na ‘yung mga artist natin. Like ito, may ‘PBB’ sa GMA.”

Sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ay pinagsama-sama ang mga Kapuso at Kapamilya na hosts at housemates.

Rebelasyon ni Jeric, nais niyang maging housemate.

“Iyon nga, sana palarin.  

“Gusto ko nga ring pumasok sa ‘PBB.’ Yes, oo kasi dream ko rin ‘yan eh, kasi masaya, mukhang masaya.

“At saka siyempre, challenge rin na marami kayong iba-ibang character, iba-ibang ugali, ‘di ba?

“So mate-test ko rin talaga ‘yung ano ko, kung anong character ko roon.”

Hindi ba siya pinag-audition sa PBB?

“Hindi po, eh.”

Produkto si Jeric ng reality show, ang Protégé: The Battle for the Big Artista Break na umere sa GMA noong  2012 na siila ni Thea Tolentino ang nagwagi.

Very similar din dito [sa PBB] kasi ganoon din ‘yung set up, parang ano kami sa bahay.”

Bongga nga sana kung nag-PBB din siya?

“Malay po natin, at saka ngayon po umeere pa naman, so why not? Malay natin,” ang nakangiting tinuran pa ni Jeric.

Kapag may mga lumilipat na artista sa GMA galing ABS, ano ang nararamdaman niya? Hindi ba siya nag-worry or nate-threaten?

Lahad niya, “Somehow may kaunting threatened kasi alam naman natin maraming artista at maraming… ‘yung maraming artista, pero ‘yung character, minsan ‘yung role na hinihingi, kaunti lang.

“Ayun, medyo malilimitahan ‘yung chance mo na mapunta sa iyo, pero at the same time, I’m happy kasi ‘yun nga, collaborative na and then, malay niyo ako rin sa kabila, kahit ako sa Star Cinema, may film, ganyan, Star Cinema, GMA Films.”

Para maiba naman, tinanong namin si Jeric, ano ang isinasagot niya kapag may nagtatanong sa kanya tungkol sa lovelife niya?

“No comment po.”

Ano ang next movie niya?

“The Graduation Day.”

Bida si Jeric sa naturang pelikula na gaganap na lola niya si Elizabeth Oropesa.

Pang-award ba ulit ito?

“Naku! Sana po. Sana po kasi maganda po ‘yung istorya nito, heavy drama and inspirational. It’s about lola and apo na story.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …