MATUTUNGHAYAN ang mga komplikasyon ng pag-ibig at buhay sa trailer ng pinakabagong
dating batang artista na sina Zaijan Jaranilla at Jane Oineza, sa mga mapaghamong tauhang gagampanan, na bibigyang-buhay ang pag-iibigan ng dalawang taong may malaking agwat sa edad.
Sa Si Sol at si Luna, si Sol ay isang estudyante ng pelikula na abala sa kanyang thesis at nagbago ang buhay nang si Luna, isang babaeng bigo ang puso. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, kinailangan nilang harapin ang magkasalungat nilang damamin tungkol sa pag-ibig al pagkawala, na pinatitindi ng agwat kanilang edad.
Ipinasilip ng trailer ang makulay at pulidong biswal na estilo ng direktor na si Dolly Dulu.
Kilala sa kanyang pelikulang The Boy Foretold by the Stars at mga gawa sa telebisyon, katuparan ng kanyang malikhaing bisyon ang ang Si Sol at si Luna.
Nauna nang ipinasa ni Direk Dolly ang kuwento bilang lahok sa 2025 Puregold CinePanalo Film Festival. Bagamat nakapasok ito sa shortlist ng 16 na pinakamahusay na lahok, hindi ito nakabilang sa pinal na lineup. Gayunman, dahil sa potensiyal at lalim ng naratibo, binigyang-daan ng Puregold na maisakatuparan ang proyekto bilang isang lingguhang digital na serye.
Ipinahayag ni Direk Dolly ang kanyang pasasalamat sa oportunidad na maisabuhay ang kwento. “Lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong maisapelikula ang ‘Si Sol at si Luna.’ Ang saya-saya ko lang, lalo na’t libre itong mapapanood sa YouTube kaya mas malawak ang maaabot ng kwento. Siyempre, masaya rin ako na ito ang kauna-unahang serye ng Puregold na mas malalim ang temang tinatalakay at damdaming inihahatid.”
Sa paunang silip ng maseselang eksena ni Zaijian at sa kwentong umiikot sa isang relasyong may agwat sa edad, nangangakong maging mapangahas ang seryeng Si Sol at si Luna.
Pinagtibay naman ni Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager ng Puregold, ang tiwala niya sa bisyon ni Direk Dolly: “Lagi’t laging makahahanap ng tagapakinig ang magagandang kwento, ano man ang daang tahakin nito. Mula pa lang sa pitch, naantig na kami sa kwento ni Direk Dolly. Ikinararangal naming mabigyan ito ng liwanag at maibahagi sa mga manonood sa pamamagitan ng retailtainment platform ng Puregold.”
Ang Si Sol at si Luna ay sumusunod sa yapak ng iba pang digital series ng Puregold Channel gaya ng My Plantito, 52 Weeks, at Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Sa nakaraang mga taon, nanguna ang Puregold sa pagtataguyod ng lokal na kultura at mga alagad ng sining, kabilang na ang serye, OPM, at industriya ng pelikula.
Mapapanood na ang serye simula Mayo 31, Sabado, 7:00 p.m. sa Puregold Channel sa YouTube. Ang mga susunod na episode ay lalabas tuwing Sabado sa parehong oras.
Mag-subscribe sa Puregold Channel sa Youtube.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com