KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, sa lungsod ng Pasig, upang bumoto nitong Lunes, 12 Mayo.
Sa kabila ng paglalaan ng mga priority polling precinct para sa mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis na matatagpuan sa unang palapag, pinili ni Romeo Santana na umakyat ng hagdan patungo sa kaniyang regular na presinto sa ikatlong palapag, kasama ang kaniyang 92-anyos kapatid, upang bumoto.
Sa isang panayam, ipinahayag niyang kaya pa niyang umakyat ng hagdan at gusto niyang bumoto para sa mga kandidatong kaniyang sinusuportahan.
Ani Santana, maayos at mabilis ang kanilang pagboto sa tulong ng mga staff na gumagabay sa kanila sa mga presinto.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com