Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan na palawakin ang paggamit ng Special Education Fund o SEF upang maisama ang mga estudyante hanggang tertiary level o kolehiyo sa mga beneficiary nito.

Ayon kay Abalos, masyadong limitado ang kasalukuyang guidelines ng SEF, na bawal pang gamitin sa simpleng pagbili ng uniporme para sa mga estudyante.

Aniya, may sapat namang pondo ang maraming lokal na pamahalaan para tumulong sa mga kulang sa edukasyon pero masyado aniyang mahigpit ang mga patakaran sa paggamit ng SEF, kaya dapat itong paluwagin para magamit din sa pagtulong sa mga mag-aaral hanggang kolehiyo kung kailangan.

Ibinahagi ni Abalos ang sariling karanasan bilang patunay na edukasyon ang susi sa pag-angat ng buhay. Ang kanyang lola ay dating “locker girl” at katulong, habang hardinero naman ang lolo niya. Ang kanyang ama naman ay isang caddie at janitor.

Giit ni Abalos, kahit libre na ang tuition ng maraming paaralan, marami pang estudyante ang nahihirapan dahil sa gastusin tulad ng pasahe at baon.

Ang SEF ay bahagi ng buwis sa real property na kinokolekta ng LGUs at dapat gamitin para suportahan ang pampublikong edukasyon, kabilang ang maintenance ng paaralan, pasilidad, pananaliksik, at sports development.

Kabilang din sa isinusulong ni Abalos ang educational assistance sa mga anak ng magsasaka’t mangingisda. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …