Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benhur Abalos
ANG pagharap ni Abalos kanina sa entertainment media ay sinuportahan din nina MMDA Chairman Romando Artes, Dondon Monteverde ng Reality Films, direk Perci Intalan ng IdeaFirst, ang aktor na si Nico Antonio bilang representative ng kanyang ina at producer ding si Atty Joji Alonso ng Quantum, Phoebe Walker, representative ng Viva Entertainment, at ang manager/writer Noel Ferrer.

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES

SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres at showbiz industry icon na si Ms. Boots Anson-Rodrigo at ito ay walang iba kundi ang senatorial candidate na si Atty. Benhur Abalos, Jr. na numero uno sa balota.

Lahad ni Ms. Boots, “Let me tell you why I’m here in a personal capacity.

“Ako po ay na-request na mag-endorse ng mga atin pong kandidato, but this is the first time that I am personally endorsing a candidate.

“Kasi naniniwala po ako sa kanya dahil nakita ko po kung paano siya magtrabaho.

“Naglingkod si Atty. Benhur sa DILG [Department of Interior and Local Government], sa MMDA [Metro Manila Development Authority] at sa MMFF [Metro Manila Film Festival].

“Doon po pumapasok, sa palagay ko po, ang relevance niya sa ating industry.

“Hindi niyo po naitatanong in late 2024, I think it was December or November, noong hindi pa pinagbabawalan ang mga TV station na magtanghal ng mga kuwento, ng mga adhikain tungkol sa mga kandiadto, mayroon po kaming ginawang autobiography, biography rather on TV, na ang buod po ay ang kabataan at ang serbisyo ni Senator Abalos.

“Going thru the script, going thru the rehearsals, going thru the studies conducted by the network, and the research, doon ko parang na-affirm iyon pong aking paniniwala sa kanya.

“Because that’s all about how he grew up.

“At hindi niyo rin po naitatanong malaki rin po ang paghanga ko sa kanyang mga magulang.

“Actually, ilang beses na ho kaming nag-anak sa kasal ni Ben Sr. at ng nasirang mother po [Corazon] niya.

“Sabi nga po nila, ‘the apple doesn’t fall far from the tree’, kung ano ang puno siyang bunga.

“At napakaganda po ng track record ng kanyang mga magulang at ang pagpapalaki po sa kanya.

“We did that television biography ay doon po namin nakita ang inside story ni Mr. Abalos, ni Senator Abalos and I’m just so impressed and taken with how…

Hindi pa naman po kampanya ‘no, pumapasyal din po siya sa set, nagbababad din po siya sa set to make sure na everything went well and more to make sure na accurate po ‘yung ilalabas sa screen. 

“Walang sobra, walang kulang, walang exaggeration.

“So that’s the personal side of my being here,” ang mahabang pahayag ni Ms. Boots sa pagdalo niya sa mediacon na ipinatawag ng mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde ng Regal Entertainmentbilang suporta sa kandidatura ni Atty. Benhur.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …