ni ROMMEL GONZALES
ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde ng lungsod ng Maynila?
“Lahat ng umaasa sa aking seniors at PWD ipatutupad ko kaagad ‘yung P2,000 allowance ng seniors at mga PWD.
“Kakausapin ko kaagad lahat ng kasamahan kong konsehal, ‘yung vice-mayor natin, iyu-unite natin para mabilis nating mapatupad ‘yung magagandang programa para po sa inyo.”
Tinanong naman si SV, dahil kahapon at ngayong araw ng Sabado ay huling weekend na ng kampanya bago ang eleksiyon sa Lunes, May 12, ano ang nararamdaman niya? Masaya ba siya sa naging takbo ng kanyang kampanya?
Sa tingin ba niya ay nagawa niya ang lahat para manalong alkalde ng Maynila?
“Isa lang ang masasabi ko, pakiramdam ko po ngayon, ibang klase, hindi ko ma-explain.
“Hindi ko ma-explain ‘yung pakiramdam na ganito karami ang nagmamahal sa iyo.
“Hindi lang dito sa Pandacan, sa Tondo, Sampaloc, Sta. Ana, Quiapo, San Andres, kahit saan ako lumapag kita iyan ng mga kababayan ko.
“Sa lahat ng Facebook live ko walang edit ‘to, gusto kong makita ng Maynila, makita ng buong bansa sino ba talaga ang mahal ng Manilenyo.
“At sa bawat lapag ko, sa tingin ko naipakita na namin kung sino talaga ang gusto nilang mamuno sa Maynila.”
Dalawa sa mga nagpakita rin ng pagmamahal kay SV sa ginanap na caucus sa Pandacan kagabi ay ang sikat na comic duo nina Jose Manalo at Wally Bayola ng Eat Bulaga! na ilang beses na ring sumasama sa mga kampanya ni SV. Taga-Maynila rin kasi si Jose.
At hindi lang basta suporta, nakaaaliw ang energy ng dalawa dahil kung ilang kanta ang inialay nila para sa napakaraming taong dumalo kagabi sa rally ni SV.
At sulit ang todong performance nina Jose at Wally dahil nakabibingi ang tilian sa kanila ng mga Manilenyo.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com