Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aguilar

Carlo Aguilar: Basurero, Kaagapay sa Kalinisan sa panunungkulan seguradong may hazard pay

NANGAKO si Las Piñas mayoral candidate at dating number one city councilor Carlo Aguilar na magkakaroon ng hazard pay ang mahigit 1,000 Kaagapay sa Kalinisan volunteers, basurero, at mga drayber na araw-araw nalalagay sa panganib sa kanilang trabaho.

Ayon kay Aguilar, matagal nang isyu ang mababang kompensasyon ng mga nagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw, ulan, at maruming kapaligiran—lalo na’t wala rin silang sapat na proteksiyon gaya ng personal protective equipment (PPE) o health insurance.

“Matagal nang dapat ibinibigay ang hazard pay. Hindi natin puwedeng ipagkait ang tamang suporta sa mga taong lumalaban para panatilihing malinis at ligtas ang ating siyudad,” pahayag ni Aguilar.

Sa kasalukuyan, tumatanggap ng ₱9,000 buwanang allowance ang mga Kaagapay sa Kalinisan, habang nasa ₱450 kada araw ang pasahod sa mga garbage collector at drayber—mga halagang malayo sa tunay na gastusin sa araw-araw.

Ipinunto ni Aguilar na sa ilang lungsod ay naipatupad na ang hazard pay para sa mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng Republic Act 11466 (Salary Standardization Law), lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Ngunit kadalasan, hindi napapabilang ang mga volunteer at job order personnel.

“Kami ni Vice Mayor Louie Bustamante ay magtutulungan para makahanap ng long-term na solusyon—hindi lang hazard pay kundi pati dagdag sahod at mas maayos na seguridad sa trabaho,” ani Aguilar.

Dagdag niya, balak din niyang isulong ang paglikha ng city ordinance at pag-realign ng budget para masiguro na tuloy-tuloy at patas ang matatanggap na benepisyo ng mga sanitation workers.

Pinasalamatan ni Aguilar ang walang sawang serbisyo ng mga Kaagapay sa Kalinisan at garbage collection teams, at iginiit na panahon na para sila’y kilalanin bilang frontliners ng kalinisan, hindi bilang pansamantalang manggagawa.

“Ang kalinisan ng Las Piñas ay dahil sa sakripisyo nila. Kaya nararapat lang na sila ay suportahan ng gobyerno—hindi lang sa salita, kundi sa gawa,” pagtatapos ni Aguilar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …