Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marikina Comelec Maan Teodoro Marcy Teodoro

AICS, medical assistance ipinamudmod
MAAN AT MARCY ‘DINAGUKAN’ NG COMELEC SA TALAMAK NA VOTE BUYING
May DQ na, may Show Cause Order pa

KASUNOD ng disqualification case, binulaga ang mag-asawang Teodoro ng Marikina City nitong Martes, 6 Mayo ng Show Cause Order mula sa Commission on Elections (COMELEC) – Committee on Kontra Bigay, dahil sa reklamong talamak na vote buying gamit ang ayuda at medical assistance sa Marikina.

Sa dokumentong may petsang 05 Mayo 2025, inilahad ng COMELEC ang natanggap nilang reklamo hinggil sa mga aktibidad ng vote buying at pang-aabuso sa pondo ng gobyerno sa iba’t ibang barangay gaya ng Marikina Heights, Sto. Niño, Concepcion Uno, at iba pa mula 28 Abril hanggang 1 Mayo.

Tinamaan ng Show Cause hindi lamang si Maan Teodoro, kundi pati si suspended mayor at disqualified congressional candidate Marcy Teodoro, ayon mismo sa COMELEC.

Matindi ang nilalaman ng Show Cause Order:

“Payouts of P2,000.00 or claim stubs for the said amounts were distributed to attendees urging them to vote for you and your husband Marcy Teodoro in the upcoming elections.”

Sinasabing ginamit ang DSWD financial assistance at Medical Assistance Program upang mahikayat ang mga botante. Sa ilang insidente, mga supporter na nakasuot ng campaign shirts ang aktuwal na namudmod ng pera.

Hindi rin nakalusot ang mismong presensiya ni Cong. Maan Teodoro:

“You were reportedly present delivering a speech and campaigning for yourself and your husband…”

Dagdag pa sa ulat:

“People passing by were asked if they were voters of Marikina City and, if in the affirmative, were directed to line up to claim money in the form of medical assistance.”

Mariing iginiit ng COMELEC:

“The foregoing acts constitute possible violation of vote buying and/or abuse of state resources…” alinsunod sa Section 261 ng Omnibus Election Code.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …