Thursday , August 21 2025
Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula 5 hanggang 6 Mayo, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at pagsasakatuparan ng mga warrant of arrest.

Kabilang sa mga naaresto ang isang indibiduwal sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) na may kasong paglabag sa RA 7942 o Philippine Mining Act; habang ang isang akusado ay nadakip sa bayan ng Plaridel sa kasong Acts of Lasciviousness; at isa sa bayan ng Bustos sa kasong paglabag sa Municipal Ordinance.

Samantala, dalawa pang suspek na may apat na bilang ng kasong theft ang inaresto ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), habang ang Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) ay nakaaresto rin ng dalawang indibiduwal na may kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act, at Frustrated Homicide.

Pawang nasa kustodiya ng kani-kanilang mga arresting unit ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Ayon kay P/Col. Franklin Estoro, provincial director ng Bulacan PPO, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na pagpupursige ng Bulacan PNP sa paghabol sa mga taong may kinahaharap na kaso. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …

Gagamba Spider

26 naaresto sa derby ng mga gagamba sa Bulacan

DALAWAMPU’T anim na katao ang naaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng …