Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers sa ilalim ng Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.

Pinagtibay ng dalawa, na tumanging magpakilala para sa kanilang kaligtasan, ang naunang pahayag ng isang grupo ng Marikina public school teachers tungkol sa payout, na nangyari noong 21-23 Abril sa Q Civic Center.

“Mayroon talagang nangyaring payout at naroon po mismo si Cong. Quimbo sa Q Civic Center habang ipinamamahagi ang AICS. Halos lahat po ng guro na nakatanggap ay nakita siya sa venue,” wika ng principal.

Inamin din ng dalawa na tumulong sila sa pag-validate ng mga benepisyo bago ang payout.

“Nag-alangan ako noong una dahil malapit na ang eleksiyon, ngunit sinabi sa amin na ito’y para sa mga kapwa n’yo guro. Kaya ginawa ko na lang po ‘yung validation,” wika ng faculty president.

Bago rito, nanawagan ang isang grupo ng Marikina City public school teachers sa Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang nasabing payout kung ito ba’y maituturing na vote buying o maling paggamit ng pondo ng bayan, lalo pa’t ginawa ito habang malapit na ang halalan.

Sinuportahan din ng mga guro ang kanilang pahayag ng mga video at photo, na nagpapakitang naroroon si Quimbo sa venue habang may payout.

Humingi ng paglilinaw ang grupo sa DSWD kung bakit isinama ang mga guro sa AICS program habang election period. Hiniling din nila sa Civil Service Commission na pag-aralan ang posibleng kasong administratibo laban sa mga nasa likod ng payout.

“We also requested the Department of Education to look into this right away and remind everyone not to take part in any activity with political involvement or money matters during election time,” wika ng mga teacher.

Ayon pa sa mga guro, tumulong at pinangunahan ng ilan nilang opisyal, kabilang sina Marie Ann Yambala, presidente ng Marikina City Federation of Public School Teachers Inc., at Atty. Ceasar Augustos Cebujano, legal officer ng DepEd Marikina District, ang pagsasagawa ng beripikasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …