Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Int’l singer/Doctor of Nursing Nick Vera Perez handang na sa Parte Ng Buhay Ko album tour

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HANDANG-HANDA na ang Filipino-American singer/ doctor of nursing Nick Vera Perez para sa kanyang 2025 album tour para i-promote ang kanyang ikaapat na all-original OPM album, Parte Ng Buhay Ko.

Kitang-kita namin ang kasiyahan kay NVP nang humarap ito sa media conference noong Sabado na bagamat puyat at kakarating lang mula America ay agad dumiretso sa Mesa Restaurant sa FisherMall para makita ang mga kaibigang entertainment press na minsan lang sa isang taon niya nakakahuntahan at nakakaharap.

Ang Parte ng Buhay Ko ay unang ini-release online noong 2022, at marami agad ang nagkagusto rito. Nakapaloob dito ang siyam na awitin na isinulat para kay Nick ng kompositor na si Adonis Tabanda.

Nakapaloob sa album ang mga awiting Biyaya, Paghilom Ng Sugat, Titig, Lihim Ng Puso, Kalendaryo, May Tayo Ba?, Pangarap Ko’y Ikaw, Sana’y Mapansin, at ang title track, Parte Ng Buhay Ko. Bawat kanta ay ukol sa pagmamahal, pasakit, pag-asa at kagalingan.

At para mas maiparinig at maihatid ni Nick ang kanyang naggagandahang awitin, mayroon siyang tv and radio guestings, gayundin ang malls at outreach events. Kahapon nasa EAT Connect Na with Belle Surara sa NET25 si Nick, sa May 6 mapapanood siya sa Letters & Music sa NET25; May 7 sa John Lemon On Air sa  Eagle FM 95.5; May 11 sa KCC Mall de Zamboanga para sa isang Special Mother’s Day celebration kasama ang kanyang pinakamamahal na ina, si Ms Visitacion Tan;  May 14 nasa Eto Pala Ang Latest (E.P.A.L) sa DWAN Radio at sa Marisol Academy;  May 15 mayroon siyang Smile World Charity Outreach sa Department of Social Welfare and Development (DSWD); May 16 nasa WEJ-A Minute sa Radyo Agila DZEC 1062; May 18 may live performance si NVP sa Robinsons Novaliches; May 21 sa WISH 107.5 Bus; May 23 sa Sta. Lucia Mall, at May 25 sa Isetann Recto.

Wow! punompuno ang schedule ni NVP na ginagawa niya dahil masaya siya na maibahagi ang kanyang musika. 

Kasama ni NVP sa kanyang tour ang mga telented at tinaguriang Eternal Diva, Ms. Evelyn O. Francia at ang rising singer na si Hannah Shayne.

Hindi rin nakalilimutan ni Nick ang commitment niya sa community service. Kaya naman kasama iyon sa kanyang pupuntahan at gagawin. Bibisitahin niya ang DSWD para magbigay-suporta at kasiyahan na laging kasama sa kanyang mga ginagawa sa tuwing umuuwi siya ng Pinas.

At kahit sobrang busy at sunod-sunod ang schedule, siyempre hindi rin pinalalampas ni Nick ang makasama ang kanyang pamilya lalo ang kanyang pinakamamahal na ina. si Mommy Visitacion. 

Sabi nga ni Nick ukol kay Mommy Visitacion, “She’s been my rock. After all this hard work, she deserves a vacation, and I can’t wait to finally give her that.”

At dahil fan na fan siya ni Martin Nievera inamin nitong dream niyang maka-collab ang    Concert King. 

He has been a huge influence on my music. A collaboration with him would be a dream come true.” 

Sa kabilang banda, pinaghahandaan na ring maibahagi ni Nick ang kanyang ikalimang studio album. Ito ay isang gospel collection na ang titulo ay, Unafraid na iri-release na rin at magkakaroon ng promotional tour sa 2025. At ngayon pa lang, tinatrabaho na rin ni Nick ang kanyang sixth album na aniya’y isang high-energy dance-themed project na ilulunsad sa last part ng taon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …