Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Levi Baligod

Atty Levi Baligod may pakiusap sa mga tumatakbo: maging role model

TUMATAKBONG Kongresista si Atty. Levito “Levi” D. Baligod sa 5th District ng Leyte.

Nakalulula ang naabot niyang edukasyon. Executive Course on National Security, National Defense College of the Philippines, Camp Aguinaldo, QC.; Bachelor of Laws, San Beda & U.E. Colleges of Law, 1994-1999;  Bachelor of Arts (Economics-Political Science), U.P.; Graduate, U.P. ROTC Advance Course (M.S. 11-42) Lyceum of Tuao, Cagayan (Secondary); at sa Tuao Central Elementary School, Cagayan (Primary).

Impresibo rin ang kanyang work experience; isa siyang Trial Lawyer (Court Litigator), Supervising Legislative Staff Officer ng Committee on Good Government, HOR at isa ring Political Affairs Officer, House of Representatives mula 1992 hanggang 2004.

At siyempre, kilala si Atty. Levi bilang high-profile lawyer ni Benhur Luy, ang pangunahing whistleblower sa P10-B Pork Barrel Fund Scam case ni Janet Lim-Napoles.

Nahingan si Atty. Levi ng payo para sa napakaraming mga artistang pumapasok sa politika.

Lahad niya, “Unang-una hindi bawal sa kanila ang pumasok. Ang public service ay isang mabigat na obligasyon, isang mabigat na responsibilidad at kung sa tingin ng kandidato ay kaya niyang bitbitin ang responsibilidad ng isang government official ay puwede naman.

“Ang pakiusap ko lang sa mga tumatakbo dapat tayo ay maging role models, we should not just dream to become leaders of this country, we must endeavor to become role models tulad ng hindi sila maging corrupt.”

Natanong namin si Atty. Baligod, kung isasapelikula o isasalin sa Magpakailanman ang kanyang buhay, sino ang nais niyang gumanap bilang siya.

Ang sagot niya? Si Richard Gomez!

Well si Richard, kasing-itim ko,” at tumawa si Atty. Levi, “pero mas guwapo siya.”

Kababayan ni Atty. Levi si Richard na Congressman sa 4th District ng Leyte at misis nitong Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.

Maayos ang Ormoc at ang distrito ni Goma kaya naman nais din Atty. Baligod na maging maayos ang 5th District ng Leyte kapag siya ay pinalad na mahalal sa May 12.

Nais niyang ayusin ang problema sa kabuhayan ng mga mamamayan doon.

At dahil kilalang anti-graft advocate si Atty. Levi na may matibay na paninindigan laban sa katiwalian sa bansa, gusto rin niyang isulong ang transparency at accountability sa pamamahala. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …