Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marikina Federation of Public School Teachers

‘Mga guro kami at ‘di kasangkapan ng politika’ — Marikina Federation of Public School Teachers

MARIIN naming kinokondena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng hindi beripikadong impormasyon, anonymous sources, at pangalan ng mga guro upang palitawin na kami ay sangkot sa isang reklamo tungkol sa umano’y vote buying.

Wala pong katotohanan ang ulat. Wala po kaming inilabas na opisyal na pahayag. Wala pong galing sa aming samahan ang sinasabing anonymous letter. At higit sa lahat, hindi kami nagparatang ng vote buying, ayon sa Marikina Federation of Public School Teachers.

Ayon pa sa nasabing grupo na ang tulong sa mga guro, gaya ng medical assistance, crisis support, at iba pang programang nakatuon sa kanilang kapakanan, hindi bago at hindi lang tuwing eleksiyon ginagawa.

Anila, matagal na itong bahagi ng mga regular na inisyatiba para sa mga public school teachers ng Marikina.

“Walang sapat na batayan ang ulat na lumabas, walang kompirmadong grupo, at walang panig ng katotohanan. Isa itong uri ng paninira, hindi ito lehitimong pamamahayag,” dagdag ng Marikina Federation of Public School Teachers.

“Hindi sapat ang simpleng pagtanggal ng artikulo.”

“Ginamit ninyo ang aming propesyon, ang aming dignidad, at ang pangalan naming mga guro sa isang kuwentong walang integridad. Maging responsable. Maging accountable. Hinihingi namin ang isang malinaw, direktang ‘public apology’.”

“Mag guro kami ng Marikina. May dangal, may prinsipyo, at may tinig. At sa panahong binabaluktot ang katotohanan, hindi kami mananahimik,” pagwawakas ng Marikina Federation of Public School Teachers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …