Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Grupo ng mangagawa, kapanalig ng FPJ Panday Bayanihan Partylist
SA ISANG roundtable discussion, lumagda sina Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, at Gabriel Aranzamendez, Pangulo ng Confederation of Filipino Workers, sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalaman ng mahahalagang polisiya na nais bigyang-priyoridad ng dalawang grupo.

Grupo ng mangagawa, kapanalig ng FPJ Panday Bayanihan Partylist

ANG FPJ Panday Bayanihan Partylist, sa pangunguna ng kanilang unang nominado na si Brian Poe, ay lumagda kahapon ng isang kasunduan kasama ang Confederation of Filipino Workers (CFW) upang isulong ang mga adbokasiya para palakasin ang sektor ng paggawa at itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Poe na kabilang sa mga pangunahing lider-manggagawa na lumagda ng kasunduan ng suporta ay sina Gabriel Aranzamendez, Pangulo ng CFW; Angelina de Ocampo, Pangalawang Pangulo ng CFW; Anton Palmiano mula sa San Jose Workers Union; Engelbert Lasang mula sa Monde Nissin; Robert Garcia ng CFW Influencers Association; at Julius Dalumpines mula sa CFW para sa Transportasyon.

Ang Memorundum of Agreement ay naglalaman ng mga pangunahing adbokasiya na nais bigyang-pansin ng grupo sa tulong at pagtutulak ng partylist.

Kabilang dito ang Magna Carta para sa mga Manggagawa sa Pribadong Sektor, ang National Workplace Health and Safety Act, ang National Unemployment Insurance Program (NUIP), ang OFW Protection and Reintegration Act, ang Labor Rights Education Act, at ang Freelancers’ Rights and Protection Act, pati na rin ang pagpapalakas sa Tripartite Industrial Peace Council (TIPC). Layunin ng sama-samang pananaw na itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Filipino.

“Ang mahalaga sa partnership na ito ay ang mga adbokasiyang payo na ibibigay ninyo sa akin. Tatlo ang haligi ng FPJ: Pagkain, Pag-unlad, at Katarungan. ‘Yung pag-unlad, kasama riyan ang ekonomiya—kaya trabaho natin ‘yan. At ang katarungan, itong dalawang ito ay napakahalaga para sa ating sektor ng paggawa,” ani Poe.

Ang Confederation of Filipino Workers (CFW) – “Ang Manggagawang Pinoy” ay isang pambansang organisasyon na itinatag noong 1987 at sinasabing may higit 50,000 miyembro mula sa iba’t ibang sektor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …