Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PAMILYA KO, patuloy sa pamamayagpag, pasok sa Top 15 Partylist ng Octa Research April Survey

PATULOY na lumalakas ang suportang nakukuha ng PAMILYA KO Partylist at kinikilala ang bitbit nitong adbokasiyang nagtataguyod sa karapatan ng bawat pamilya.

Sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research nitong April 2025, nasa rank 12 ang PAMILYA KO Partylist —isang maagang senyales na malaki na ang tsansa na makakuha sila ng puwesto sa Kongreso.

Ang mabilis na pag-angat ng grupo ay dala ng kanilang platapormang nakatuon sa isa sa mga nakalilimutang sektor sa lipunan: ang mga hindi tradisyonal na pamilya.

Mula sa mga single parent, blended families, LGBTQIA+ couples, adoptive families, hanggang sa mga lolo at lola na kumakalinga sa mga anak ng overseas Filipino workers (OFW), isinusulong ng PAMILYA KO ang mga makasaysayang reporma.

Kabilang sa mga prayoridad nilang panukalang batas: • Pantay-pantay na karapatan sa mana para sa lahat ng anak, anuman ang estado ng kasal ng mga magulang; • Legal na pagkilala sa domestic partnerships, kabilang ang LGBTQIA+ unions;

• Isang pambansang balangkas sa surrogacy na nagpoprotekta sa mga magulang at surrogate mothers; • Trauma counseling at mental health support para sa mga hiwalay na pamilya; • Programang pangkabuhayan at karapatan sa guardianship para sa mga lolo’t lolang kumakalinga sa mga anak ng OFW

Ang nagpapalakas sa PAMILYA KO ay ang mga nangunguna at pamunuan nito—mga nominado na mismo ay nagmula sa iba’t ibang anyo ng pamilya, kaya’t may dalang kredibilidad at tunay na karanasan sa kanilang adbokasiya.

“Ang aming plataporma ay nakatayo sa Tunay na Representasyon, May Puso, at May Isang Salita. Totoong bahagi ng lipunan ang mga hindi tradisyonal na pamilya. Panahon na para kilalanin at protektahan sila ng batas,” pahayag ni Atty. Anel Diaz, nominado ng PAMILYA KO Partylist.

Ang aktres na si Sunshine Cruz, kabilang aniya siya sa sektor ng  non-traditional families na nais bigyang boses.

“Ako single parent, mag-isa akong bumubuhay sa mga anak ko. Napakahirap. Karapatan din natin magkaroon ng boses so kongreso.”

Naniniwala rin si Diaz na ang lumalawak na suporta at adbokasiya para sa PAMILYA KO ay senyales ng lumalaking panawagan para sa mas inklusibo at may malasakit na pamahalaan—patunay na sa makabagong Filipinas, wala dapat maiwang pamilya. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …