Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan kina Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia at Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Marbil upang ipanawagan ang agarang aksiyon laban sa aniya’y malawakang vote buying na isinasagawa sa mga bayan ng Rosales, Balungao, at Asingan.

Ayon kay Agabas sa kanyang mga liham na may petsang 29 Abril 2025, sangkot umano ang mga lider-politikal na konektado kay G. Gilbert Estrella sa pamimigay ng halagang ₱3,000 kada botante kapalit ng kanilang boto.

“Ito ay isang lantad na kalakaran sa aming distrito,” ayon kay Agabas.

“Ang ganitong lantad at sistematikong vote buying ay tahasang sumisira sa kredibilidad ng halalan at lumalapastangan sa karapatan ng mga mamamayan na pumili ng kanilang mga pinuno,” dagdag niya.

Binanggit ni Agabas, sa kabila ng pagiging lantaran ng mga aktibidad na ito ay walang ginagawang aksiyon ang pulisya at ang COMELEC.

“Nanawagan ako ng agarang kontra-aksiyon upang mapigilan ang patuloy na pagbaluktot sa tunay na tinig ng taongbayan,” giit ni Agabas.

Aniya, marami sa mga residente ang may alam tungkol sa mga insidente ngunit natatakot magsampa ng kaso dahil sa takot sa posibleng ganti.

“Nanawagan ako sa COMELEC at PNP na seryosohin ang mga ulat na ito, magsagawa ng agarang imbestigasyon, at magsampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa mga nasa likod nito,” pahayag ni Agabas.

Hinimok ni Agabas ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga taong nagmamay-ari o nagpapagamit ng kanilang mga bahay at pasilidad bilang lugar kung saan isinasagawa ang vote buying.

“Ginagamit ang mga pribadong ari-arian para sa mga ilegal na aktibidad, kaya’t dapat din silang managot sa ilalim ng batas,” dagdag ni Agabas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …