Monday , August 11 2025

Sa SCTEX toll plaza
12 PATAY, 28 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

050225 Hataw Frontpage

HATAW news Team

HINDI bababa sa 12 katao ang naiulat na binawian n buhay habang 28 indibiduwal ang sugatan sa banggaang kinasasangkutan ng limang sasakyan sa SCTEX Toll Plaza, sa lungsod ng Tarlac, nitong Huwebes ng hapon, 1 Mayo.

Ayon kay P/Lt. Col. Romel Santos, director ng Tarlac PPO, naganap ang insidente sa SCTEX toll plaza, sa bahagi ng Brgy. Pantog, sa nabanggit na lungsod, dakong 12:30 ng hapon na kinasanguktan ng isang Toyota Veloz na minamaneho ni Carlo Mojica, residente sa San Fernando, Pampanga; isang 18-wheeler truck na minamaneho ni Darwin Cruel ng Tondo, Maynila; isang Nissan Urvan; isang Kia Sonet; at isang bus ng Solid North Transit, may plakang UVK-941, minamanehi ni Teodoro Merjan ng Lingayen, Pangasinan.

Ani P/Col. Santos, inararo ng bus ng Solid North Transit Inc., ang apat na sasakyan na nakapila sa toll plaza para sa pagbabayad ng toll fee

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng bus na napag-alamang nakatulog kaya nawalan ng kontrol sa pag-andar ng sasakyan.

Ayon kay Tarlac PDRRMO chief Marvin Guiang, anim sa 12 namatay ay pawang mga bata.

Iniulat ng Philippine Red Cross (PRC) ang insidente matapos makakuha ng kompirmasyon mula sa Tarlac Provincial Hospital.

Dagdag ng ahensiya, tinatayayang 43 kilometro ang layo ng pinangyarihan ng insidente o isang oras lamang mula sa PRC Tarlac Chapter.

Dinala sa Tarlac Provincial Hospital ang lahat ng sugatang biktima sa insidente.

Isinusulat ang balitang ito’y patuloy ang PDRRMO Tarlac sa kanilang operasyong mailabas ang mga biktimang naipit sa loob ng mga sasakyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …