Thursday , August 21 2025
high temperature sun heat Trabaho Partylist

Sa pagkamatay ng ilang traffic enforcers sa Iloilo
TRABAHO Partylist, nanawagan ng pambansang pagpapatupad ng Heat Stroke Break Policy

NANAWAGAN ang #106 TRABAHO Partylist para madiinan ang pagpapatupad ng “heat stroke break policy” mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong bansa, kasunod ng pagkamatay ng dalawang traffic enforcers sa Iloilo City na pinaniniwalaang dulot ng matinding init ng panahon.

Ayon sa ulat ng Transportation and Traffic Management Office ng Iloilo City, ang dalawang enforcer ay may iniindang karamdaman at kasalukuyang umiinom ng gamot na maaaring nakadagdag sa kanilang pagpanaw habang kasagsagan ng heat wave.

Dahil sa pangyayaring ito, iginiit ni TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu ang kahalagahan ng agarang aksiyon upang maprotektahan ang mga manggagawa laban sa panganib ng matinding init.

“Ang malungkot na pagkasawi ng dalawang lingkod-bayan sa Iloilo City ay nagpapakita ng panganib ng matinding init sa ating mga manggagawa,” pahayag ni Atty. Espiritu.

“Mariin naming isinusulong ang agaran at malawakang pagpapatupad ng heat stroke break policy upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga outdoor workers.”

Batay sa alituntunin ng DOLE, ang heat stroke break policy ay nag-uutos sa mga employer na magbigay ng sapat na pahinga, inumin, at lilim para sa mga manggagawang exposed sa matataas na temperatura, kabilang rito ang mga nasa sektor ng konstruksiyon, agrikultura, at trapiko.

Itinataguyod ng TRABAHO Partylist ang kapakanan ng mga manggagawang Filipino sa pamamagitan ng mga panukalang naglalayong mapabuti ang kondisyon sa trabaho at palakasin ang mga programang pangkaligtasan sa lugar ng trabaho.

“Habang patuloy na lumalala ang epekto ng climate change, kailangan maging maagap tayo sa pag-angkop ng mga patakaran sa paggawa upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng ating lakas-paggawa,” dagdag ni Atty. Espiritu.

Para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, naunang bumati ang TRABAHO Partylist upang bigyang-pugay ang mga manggagawang Filipino sa loob at labas ng bansa.

“Mabuhay ang manggagawang Filipino!” pagbati ng TRABAHO Partylist.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Nadia Montenegro

Bintang itinanggi kasabay ng resignasyon
VAPE NA AMOY UBAS HINDI MARIJUANA ­— NADIA MONTENEGRO

NAGBITIW sa kanyang tungkulin bilang political affairs officer ni Senador Robinhood Padilla ang aktres na …

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …