Saturday , August 23 2025
Makato Aklan

Barangay leaders sa Aklan naghain ng DQ vs vote buying

DALAWANG barangay captain mula Makato, Aklan ang naghain ng petition for disqualification sa Commission on Elections (Comelec) laban kay Aklan 2nd District Rep. Teodorico “Nonong” Haresco, Jr., dahil sa sinabing ‘vote buying’.

Sa kanilang petisyon, sinabi nina Henry Olid at Shirly Lagradante, mga kapitan ng Barangay Tibiawan at Poblacion, personal nilang nasaksihan ang staff ni Haresco na si Shiela Puod, at ang asawa nitong si Barangay Kagawad Ronilo Puod, habang namimigay ng pera kapalit ng suporta sa kandidatura ni Haresco sa mismong bahay ng dalawa sa Barangay Tibiawan.

Dawit sa reklamo sina Shiela at Ronilo Puod, at ang dalawang contract of service workers mula sa DSWD Region VI na sina Rhea Latumbo at Pinky Bunda, na sinasabing naroroon sa pay-out.

Ayon kay Olid, ipinaalam sa kanya ng isang May Jean Puod ang tungkol sa nagaganap na pamimigay ng pera sa bahay nina Puod at agad silang nagtungo ni Lagradante at iba pang kasamahan sa lugar upang beripikahin ang ulat.

“Complainant Olid, together with Complainant Lagradante and others, immediately proceeded to the identified location to verify the report. Upon arrival, they personally observed Shiela Puod seated at the terrace of her residence, with bundles of one thousand-peso bills (₱1,000) laid out on a table, some attached with labels bearing names and photocopied voter identification cards,” nakasaad sa petisyon.

“Present with her were Kagawad Ronilo Puod and four other individuals who appeared to be awaiting their turn to be called,” dagdag sa petisyon.

Matapos ang insidente, pinayohan sila ng mga pulis na pormal na ipatala ang pangyayari. Naglabas din ng sertipikasyon ang PNP-Makato bilang patunay sa insidente.

Tatlong iba pang testigo ang nagsumite ng kani-kanilang sinumpaang salaysay na nagpapatibay sa pahayag ng mga complainant.

Anila, tig-₱2,000 ang ibinigay ng mag-asawang Puod sa mga residente kapalit ng pangakong suporta sa kandidatura ni Haresco.

“The payout was clearly done with the objective of influencing the outcome of the May 2025 elections. The witnesses attested that the recipients were identified based on their expected support for Respondent Haresco,” saad sa petisyon.

Bukod sa mga affidavit, kalakip din sa reklamo ang mga larawan at video ng insidente ng pamimili ng boto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Marilao Bulacan Police PNP

P2.3-M ‘hot meat’ nasamsam, 7 timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ang pitong indibidwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na naglilipat ng kahon-kahong ‘hot meat’ …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Senglot naghuramentado, arestado

MABILIS na napigilan ng pulisya ang isang marahas at posibleng pagdanak ng dugo nang maghuramentado …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Drug bust sa Bulacan: 3 big time tulak nalambat

ARESTADO ang tatlong bigtime drug peddlers na pinaniniwalaang sangkot sa bulk distribution ng shabu na …

Pag-IBIG

Pag-IBIG Fund Investment Income Jumps 52% in First Half of 2025

Pag-IBIG Fund earned ₱4.27 billion from its investments in the first half of 2025, up …

Congress Hotshots UP University of the Philippines

Hotshots ng 20th Congress, nakipagsanib-puwersa sa UP para sa resilience at innovation

TINAGURIANG “Congress Hotshots” — sina Kinatawan Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan Partylist), Javi Benitez (Negros …