Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pope Vatican

Bagong Santo Papa sa 7 Mayo pipiliin

INAASAHANG sa 7 Mayo 2025, nakatakdang simulan ng Simbahang Katolika ang pagpili ng bagong Santo Papa.

Sa pahayag ng College of Cardinals, sisimulan nila ang conclave para sa paghahalal ng ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika, kapalit ng yumaong si Pope Francis, sa 7 Mayo.

Pinili ang nasabing petsa sa isang closed-door meeting ng mga Cardinal, na isinagawa matapos maihimlay si Pope Francis noong Sabado.

Nasa 135 cardinals, pawang wala pang 80 anyos ang edad at mula sa iba’t ibang panig ng mundo, ang lalahok sa conclave, na isasagawa sa loob ng Sistine Chapel.

Inaasahang si Cardinal Giovanni Battista Re, dean ng College of Cardinals, ang mangunguna sa conclave.

Kailangan makakuha ang isang cardinal ng two-thirds majority o 90 boto, upang mahalal bilang bagong Santo Papa.

Babantayan ng mga mananampalataya ang usok na lalabas sa chimney ng Sistine Chapel bilang hudyat kung nakapili na ng bagong Santo Papa ang mga cardinal.

Kapag itim ang usok sa chimney, nangangahulugang wala pang napipiling bagong Santo Papa; habang ang puting usok ay nangangahulugang nakapaghalal na ng bagong supreme pontiff.

Saka iaanunsiyo ang “Habemus Papam” isang Latin phrase na ang ibig sabihin ay mayroon nang bagong Santo Papa.

Kaugnay nito, kinompirma ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na isa si Cardinal Luis Antonio Tagle sa tatlong cardinal, na napili upang tumulong kay Cardinal Kevin Farrell, ang Camerlengo of the Apostolic Chamber sa gagawing paghahanda para sa conclave.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …